Balita

SEAG venue sa Clark, pang-world class

- Annie Abad

POSIBLENG matapos ng Agosto 2019 ang kontruksyo­n ng isa sa mga premyadong venues sa 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 10 sa New Clark city sa Capaz Tarlac.

Ito ang kauna-unahang tinagurian na smart, green at resilient metropolis na siyudad sa bansa, na siyang magiging sports hub para sa pagsasagaw­a ng biennial meet.

Ayon kay Vince Dizon, presidente ng Bases Conversion and Developmen­t Authority, kampante umano sila gayung kasama nilang gumagawa para sa nasabing kontruksyo­n ang mga world class planners na buhat sa Japan at Singapore.

Kabilang sa itinatayo sa New Clark City ay ang athletic stadium na may 400meters 9 lane standard track at may 20,000 seating capacity at aprubado ng Internatio­nal Associatio­n of Athletics Federation, gayung pumasa ito sa global standards.

Kasabay nito, ginagawa na rin ang mismong titirhan ng mga kalahok at opisyal sa darating na SEA Games, ang Athlete’s Village na may kabuuang 2,100 na tulugan, upang mabigyan ng matutuluya­n ang lahat ng dadayo sa bansa para sa kompetisyo­n.

Bukod pa rito, inihahanda na rin ang 2,000 seating capacity na Aquatic Center kung saan may 8 lane training pool at maylimang metrong lalim na diving pool.

Mismong lahar, buhangin at semento ang sama samang ginamit upang mabuo ang ansabing imprastrak­tura na may desenyong sinunod sa bunganga ng bulkang Pinatubo at kasalukuya­ng nasa 35% na ang natatapos bago tuluyang mabuo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines