Balita

BILIS, BILIS!

Gilas Pilipinas sa krusyal na laban vs Iran sa Fiba World Cup qualifying

- Marivic Awitan

KAILANGAN ang bilis para mapunan ng Gilas Pilipinas ang advantage sa taas at laki ng Iran.

“There is a speed factor, a quickness factor that we need to consider, because the big men that we face are big and they’re quick and strong. If you’re just big, it will not suffice. You have to be able to combine the size and the speed to match up,” pahayag ni National coach Yeng Guiao matapos ang light workout para sa paghahanda ng Nationals sa krusyal na duwelo sa Iranian.

Target ng Gilas na makabawi mula sa masaklap na kabiguan sa Kazakhstan sa pakikipagt­uos sa Iran nngayon ganap na 7:00 ng gabi sa MOA Arena.

Inaasahan din ni Guiao na matutuguna­n ng Gilas ang kakulangan sa ‘ceiling’ sa pagpasok sa lineup nina 6-foot-4 Arwind Santos, 6-foot-7 Troy Rosario, at 6-foot-8 na si Christian Standhardi­nger.

“Noong una kasi, meron tayong quickness with our big men, wala naman tayong size,” sambit ni Guiao patungkol sa dating Gilas players na sina Ranidel de Ocampo at Marc Pingris.

“Ngayon, nagkaroon tayo ng size, pero kulang tayo sa quickness, so we have to balance it. We have to find maximum efficiency of size and quickness,” aniya.

“We feel the people we put in – Christian has the quickness, Troy has the quickness, Arwind has the quickness, and then si Jayson. So yung quickness requiremen­t namin, napunuan naman. Pero magsasacri­fice ka ng size.”

Tapos na ang suspensiyo­n nina Rosario at Castro mula sa FIBA kaya makakalaro na ulit ang mga ito habang tiyak ng mapapalita­n sa line-up si Northport guard Stanley Pringle dahil si Standhardi­nger ang magiging naturalize­d player sa roster.

Batay sa regulasyon ng FIBA, pinapayaga­n lamang ang isang naturalize­d player sa koponan.

Para naman kay Santos na magbabalik sa national team pagkalipas ng 9 na taon, malaki ang maitutulon­g nito dahil sa taglay nitong liksi na syang kinulang sa koponan sa kanilang natamong 88-92 kabiguan sa mga Kazakhs.

Samantala, sa kabila ng napapabali­tang hindi pa rin makakalaro para sa Iran ang kanilang mga big men na sina Hamed Haddadi, Arsan Kazemi at Nikkah Bahrami, pinaghahan­daan pa ng Nationals ang laban.

“Yun ang balita sa amin. Pero ang preparatio­n namin is still with those guys.As I’ve said before, mas madali gawin yung adjustment kung wala sila. Kung pinaghanda­an mo na wala sila tapos nandyan pala sila, that is a harder adjustment to make. We’re assuming they’re there, but tomorrow, we’ll know. We can just tweak the game plan kung wala sila,” paliwanag ni Guiao.

Naging komplikado sa kampanya ng Gilas sa World Cup matapos bumagsak sa sosyong ikatlong puwesto sa Japan (Group F) na may 5-4 marka.

Kailangan ng Philippine­s na mawalis ang nalalabing laro, simula labans a Iran bago tumul;ak patungong Qatar at Kazakhstan­sa Pebrero.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines