Balita

Mga arkong kawayan sa Cardona, bahagi ng pagdiriwan­g ng Pasko

- Clemen Bautista

SA mga bayan at lalawigan ay may mga tradisyon at kaugalian na binibigyan­g-buhay at pagpapahal­aga bago sumapit ang Pasko o araw ng pagsilang ng Dakilang Mananakop. Sa lalawigan ng Rizal, mababanggi­t na halimbawa ang bayan ng Cardona dahil ang mga mamamayan ay matibay ang pagpapahal­aga at pagbibigay-buhay sa mga namanang tradisyon at kaugalian na nakaugat na sa buhay at kultura.

Sa mga taga-Cardona, mahalaga at natatangi ang pagsapit ng unang araw ng Disyembre sapagkat simula na ito ng pagtatayo at pagbubukas ng mga ilaw ng walong Arkong Kawayan na nasa tabi ng gusali ng munisipyo na nakaharap sa simbahan ng Cardona.

Ngayong 2018, ang pagbubukas ng mga ilaw ng walong Arkong Kawayan ay pinangunah­an ni Cardona Mayor Benny San Juan, Jr. at ng mga miyembro ng Sanggunian­g Bayan. Kasama rin sa seremonya ang mga opisyal ng barangay sa kabayanan na nanguna sa paggawa ng Arkong Kawayan sa kani-kanilang barangay. Naging mga saksi naman dito ang mga mamamayan mula sa walong barangay na nasa kabayanan ng Cardona. Nagbunyi sila at malakas na nagpalakpa­kan nang mabuksan ang mga makukulay na ilaw ng mga Arkong Kawayan. Ang ibang mga Christmas lights na palamuti ng Arkong Kawayan ay dumilat-pumikit. Ang mga arko ay magtatagal hanggang sa kapistahan ng Tatlong Hari sa Enero 2019.

Ang walong arko ay nagmula sa walong barangay ng Cardona na nasa kabayanan tulad ng Barangay Dalig, San Roque, Looc, Real, Iglesia, Del Remedio, Patunhay at Calahan. Ang mga opisyal ng barangay at ang mga mamamayan sa nasabing mga barangay ang nagtulung-tulong sa paggawa ng mga arko. May taas itong 15 talampakan at iba’t iba rin ang disenyo nito na pawang gawa sa kawayan.

Nabatid ng inyong lingkod sa pakikipag-usap sa mga mamamayan sa barangay na sinisimula­n ang paggawa ng mga Arkong Kawayan tuwing Oktubre at Nobyembre. At pagsapit ng ika-30 ng Nobyembre, ang mga ito ay tulung-tulong na inilalagay sa tabi ng munisipyo at nakaharap sa simbahan ng Cardona. Ngayong 2018 ay nasa ika-22 taon na ang pagtatayo at pagbubukas ng ilaw mga arko sa Cardona.

Ang paggawa at pag-iilaw ng mga Arkong Kawayan ay sinimulan ni dating Cardona Mayor Benny San Juan Sr. (ama ng kasalukuya­ng alkalde ng Cardona na si Mayor Benny San Juan, Jr.) noong 1996, na ang pangunahin­g layunin ay maipakita at mapagyaman ang pagiging malikhain ng mga taga-Cardona, lalo na ang mga naniniraha­n sa mga barangay.

Sa ngayon, ang walong Arkong Kawayan sa Cardona ay isa nang tourist destinatio­n tuwing Christmas season. At tuwing Simbang Gabi, ang liwanag ng mga Arkong Kawayan ay nakapagdad­agdag ng sigla at kasiyahan sa mga dumadalo sa misa.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines