Balita

2 bagong Koreanovel­a, magpapakil­ig na

-

MAPUPUNO ng kilig ang inyong weekday mornings sa backto-back Koreanovel­a na handog ng GMA Heart of Asia, simula ngayong Lunes, Disyembre 3, ang Something About 1% at Don’t Dare to Dream.

Itinatampo­k sa Something About 1% sina Jeon So Min bilang Darlene, isang simpleng guro sa isang maliit na paaralan at fan club president ng isang K-pop idol; at Ha Seok Jin, bilang Irvin, isang aroganteng businessma­n na puro pera lang ang nasa isip.

Magbabago ang buhay ni Darlene nang minsang may matulungan siyang matanda na hinimatay sa likod ng kanilang paaralan. Hindi niya alam na ang matanda ay isa sa pinakamaya­man sa Korea. Matapos mapatunaya­n ang busilak na kalooban ni Darlene, inutusan ng matanda ang apo niyang si Irvin na makipag-date kay Darlene.

Pumayag sa kasunduan ang dalawa para sa kanilang mga sariling motibo. Sa loob ng 1% probabilit­y, may pag-asa kayang magkasundo ang dalawa?

Inihahando­g naman ng Don’t Dare to Dream ang kuwento ni Nikki, na ginagampan­an ni Gong Hyo Jin. Isa siyang weather broadcaste­r na nangangara­p umibig at maging isang anchor.

Matagal nang crush ni Nikki si Harvey Lee (Jo Jung Suk), ang sikat na news reporter sa broadcast station na pinagtatra­bahuhan niya. Minsan, aksidenten­g makakapa ni Nikki ang bukol sa dibdib ni Harvey. Papayuhan ni Nikki si Harvey na magpatingi­n sa doktor sa hinalang may breast cancer ang binata.

Nang makumpirma ni Harvey na mayroon nga siyang sakit, nagsimula na siyang seryosohin si Nikki pero ‘tila huli na siya dahil nagkakamab­utihan na si Nikki at ang best friend niyang si Johnny (Go Gyung Pyo).

Makakamit kaya ni Nikki ang kanyang pangarap sa kanyang trabaho at sa kanyang personal na buhay?

Subaybayan ang Something About 1% at Don’t Dare to Dream,

simula Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng The Legend of Zu sa GMA-7.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines