Balita

Aiko, bet si Atasha para maka-love team ni Andrei

- Ni REGGEE BONOAN

SINABI ni Aiko Melendez na boto siyang maging kaloveteam ng anak niyang si Andrei Yllana ang anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales na si Atasha Muhlach sakaling pasukin na rin ng huli ang showbiz.

“Ay puwede! Hindi man kami nagkatuluy­an ni Aga, ang gandang bata ‘yun. Bet ko ‘yun at sobrang papayag ako, magiging presidente pa ako ng fans club nila,” masayang sabi ng aktres.

Binanggit namin kay Aiko ang pagkakasab­i niya ng “hindi man kami nagkatuluy­an ni Aga”.

“Oo, kung hindi man kami, baka puwedeng sila. Kung pumayag si Charlene. Malay mo, ang ganda, ‘di ba?” tumawa ulit na sabi ni Aiko.

May punto naman talaga si Aiko, dahil nakikinita naming bagay sina Andrei at Atasha. Pero depende nga kung magsoshowb­iz ang unica hija ng mag-asawang Aga at Charlene.

Anyway, hinto muna sa showbiz si Andrei dahil kailangan nitong mag-concentrat­e muna sa pag-aaral. Bumaba raw kasi ang mga grades ni Andrei, kaya payo ng Mama Aiko niya ay mag-aral muna.

“Nag-aaral siya ngayon. Nu’ng time na nagkaroon kami ng deal na ‘mag-aral ka at mag-artista ka pero give me good grades’, eh, medyo hindi niya kayang pagsabayin. Kaya sabi ko, mag-aral muna siya para walang sisihan (sa huli).

“Sayang nga kasi may mga endorsemen­ts din. Pero I’m sure kapag ready na talaga si Andrei na pagsabayin ang lahat, babalik at babalik siya,”paliwanag ni Aiko.

Si Andrei ay anak ni Aiko sa dating asawang si Jomari Yllana.

 ??  ?? Andrei
Andrei
 ??  ?? Atasha
Atasha

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines