Ika-108 labas
NANG magmulat ng kanyang mga mata si Nena ay nagulat siya. Laganap na ang dilim, ang aga naman yatang dumating ng gabi.
Mabilis siyang bumangon. Sandaling nag-isip. Gaano ba siya katagal nakatulog? Labis ba siyang napahimbng?
Dumingaw siya sa bukas na bintana. Tumingala siya. Bagaman at talagang may kadiliman na ang gabi, marami namang nakakalat na bituin sa kalawakan. Kung tatiyahin niya, batay sa dami ng mga bitun, malapit nang maghatinggabi.
May naramdaman siyang kaunting takot. Kung bakit, hindi niya alam. Siya rin ang nagtanong sa kanyang sarili: Ano naman ang kanyang dapat katakutan? At bakit naman siya matatakot?
Umalis siya sa bintana at nagtungo sa switch ng ilaw. Bigla, nagliwanag ang bahay sa binuksan niyang daylight. Nagliwanag hindi lang ang silid na tinulugan niya kundi maging ang bahagi ng sala na kayang abutin ng liwanag ng sinindihang ilaw.
Hindi nasiyahan, lumabas siya ng kuwarto at pinagsisindihan ang mga iba pang ilaw. Lahat. May instilasyon sila ng ilaw sa paligid ng bakod na pader.
Nagmistulang araw ang kabuuan ng bahay. Maging ang buong bakuran. Pero bakit nakadama pa si Nena ng takot. Hindi naman iyon ang unang pagkakataong napag-isa siya sa gabi. Di ba madalas naman, kung medyo naaatrasado si Fermin sa biyahe, napagiisa siya sa bahay? Sa matagal na niyang pag-iisa nang walang aberya, tumapang na rin yata siya.
Saka hindi sinadya, napatingin siya sa kalendaryong nakasabit sa dingding. At napadilat siya nang husto!
Ang naghatid ng sindak sa kanya ay ang mga araw at petsa!
NOON AY ARAW NG BIYERNES AT PETSA TRESE!
Batay sa matandang kapaniwalaan, MALAS daw ang araw ng Biyernes at ang bilang na TRESE, At umano, tumitindi ang kamalasan kung ang Biyernes ay natatapat sa petsang trese o BIYERNES-TRESE.
Sang-ayon naman sa mga istoryang katatakutan o superstories, ang Biyernes trese ay talagang delikadong petsa. Ito raw ay itinuturing na holiday o araw ng kapistahan ng mga maligno. Sa partikular na araw daw ng Biyernes ay talagang delikadong petsa. Ito raw ay itinuturing na holiday o araw ng kapistahan ng mga maligno. Sa partikular na araw daw ng Biyernes trese nagaganap ang mga malalagim na pagsalaky o pagsasaaya ng mga nilikhang out of this world.
Lalo yatang tumitindi ang takot ni Nena. Bakit ba ngayon pa ginabi ng ganito si Fermin? Kung kailan pa sinabi sa kanya ni Fermin na baka raw naman mapaaga siya ng uwi ngayong araw na ito. Baka raw wala pang alas otso ng gabi, basa bahay na siya.
Pero ang nakaligtaan niya ay ang petsa. Aywan ba kung bakit kaninang umaga ay nakaligataan pa naman niyang ang petsa ay trese at Biyernes pa ang araw. Kung nagawa niyang pagisipan iyon bago umalis si Fermin noong umaga, baka hind siya pumayag na umalis pa ito.
Saka parang hindi sinasadya, nasalat niya ang suot na stainless na kuwintas. Kinapa niya ang palawit o agnos na nakapakong imahen ni Jesus Christ. Kahit paano yat nakakuha siya ng kaunting lakas ng loob sa hinipo niyang kuwintas.
Buhat nang ibigay sa kanya ni Fermin ang kuwintas, hindi na iya iyon inalis sa kanyang leeg. Hindi dahil siya’y natatakot kundi dahil siya ay may pagkarelihiyoso.
Dahil nakaramdam ng kaunting takot, naisp niyang baka iyon ang pagkakataong dumarating ang isang hindi inaasahan. Kung gayon, kailangang niya ang karagdagang proteksiyon at iyon ay ang agua bendito.
Antimano’y nagtungo si Nena sa banyo at naglagay ng maraming tubig sa timba na hinaluan niya ng bendita.
Itutuloy...