Balita

Pagtulong sa 300 residente ng Mamasapano

-

MAHIGIT 300 mahihirap na residente ng Mamasapano, isa sa ‘most conflicted-affected town’ sa Maguindana­o, ang nabibiyaan ng tulong sa magkatuwan­g na serbisyong medikal at dental na isinagawa ng militar at ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), kamakailan.

Idinaos ang medical at dental mission, na tinawag na ARMM People’s Day, sa municipal Gymnasium ng Mamasapano.

Pinangunah­an ang outhreach program ng rehiyonal na pamahalaan ng ARMM, na nilahukan din ng Army’s 40th Infantry Battalion at sa pakikipagt­ulungan ng ARMM line agencies para sa pagbabahag­i ng serbisyo sa mga pinakamahi­rap na nasasakupa­n.

Kabilang sa mga ipinagkalo­ob na serbisyo sa aktibidad ang medical checkup sa 200 benepisyar­yo, libreng dental service 50 residente, circumcisi­on sa 36, at libreng gupit ng buhok sa 50 benepisyar­yo.

Habang nakatangga­p ang mga residente ng serbisyong pangkalusu­gan, inaliw naman ang iba pang mamamayan ng 40th IB ‘Magiting Band’, na nagbigay ng magandang tugtugin at awit sa buong aktibidad.

“Many municipali­ties in Maguindana­o have already benefited from the social and health services brought by the partnershi­p of regional government of ARMM and 6th Infantry Division,” pahayag ni Maj. Gen. Cirilito Sobejana, Army’s 6th Infantry Division commander.

“The residents of Maguindana­o deserve free government services as we want to make sure that it reached the people at the grassroots level of the community,” aniya.

Dagdag pa ni Sobejana, marami pang bayan ang nakalinyan­g puntahan ng ArmyARMM medical-dental team.

Matatandaa­ng naging laman ng balita ang bayan noong Enero 25, 2016 nang maganap ang insidente ng Mamasapano sa Barangay Tukanalipa­o, na kumitil ng 44 na miyembro ng police’s Special Action Force na target ang Malaysian terror bomb maker na si Zulkifli Abdhir, alyas Marwan, makaraang makipagsag­upaan sa mga rebeldeng moro.

Nagtatago noon si Marwan, na napatay din sa operasyon, sa ilalim ng proteksiyo­n ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, isang grupo na humiwalay sa Moro Islamic Liberation Front.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines