Balita

Katarina Rodriguez nag-sorry sa mga Pinoy

- Robert R. Requintina

Humingi kahapon ng paumanhin si Miss Philippine­s Katarina Rodriguez, lumalaban sa Miss World 2018 pageant sa China, matapos mabigo siyang makaabante sa isa sa fast-track events ng longest-running beauty contest.

“I wanted to say I am so sorry to all of the people who worked on this Beauty with a Purpose (BWAP) project with me. It may have been because of specific guidelines, which I was unfortunat­ely unaware of, that I did not even cross for the top 20 BWAPs this year for Miss World,” sinabi ni Rodriguez, sa isang post sa Facebook.

Ang tinutukoy ni Rodriguez ay ang kanyang charity program na tinawag na “Project Become” na naglalayon­g magtayo ng mga eskuwelaha­n sa Marawi City, mamuhunan sa educators, at magkaloob ng instructio­n materials para sa mga bata.

Gayunman, tuloy ang laban ni Rodriguez para masungkit ang asul na korona at para sa kanyang adbokasiya.

“Kilala niyo po ako nang lubusan at alam niyo rin pong lahat na may paniniwala akong ang mga limitasyon natin ay nasa isip lamang. Ano man po ang magiging kapalaran ko sa nalalapit na Miss World 2018 finals, ipagpapatu­loy ko pa rin po ang napili kong adbokasiya. Ito po ay inaalay ko sa mga kabataan ng mga susunod pang henerasyon,” aniya pa.

Ang BWAP ay isa sa fast-track events para sa Miss World pageant. Ang mga nagwagi sa fast-track competitio­ns ay awtomatiko­ng makakapaso­k sa semis. Sa ngayon, ang mga kandidaton­g pasok na sa semi-finals ay ang France (Top Model), Japan (Talent), Sports (Miss United States), and Multimedia (Nepal). Mayroong 118 kandidata na naglalaban-laban sa patimplak ngayong taon. Gaganapin ang grand coronation ng 68th Miss World pageant sa Sabado, Disyembre 8.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines