Balita

Pigilan muna ang inflation

- Bert de Guzman

DAPAT munang mapigilan o makontrol ng pamahalaan ang umiiral ngayong inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo bago isulong at ipatupad ang ikalawang bahagi ng buwis sa produktong petrolyo o fuel excise tax sa Enero 2019.

Hiniling ng mga mamamayan at maging ng ilang mambabatas sa economic managers ng Duterte administra­tion na gumawa ng mga paraan at safety nets para sa mahihirap, na siyang nagpapasan sa bigat ng mga bilihin kapag hindi nasawata ang inflation.

Nitong Oktubre, ang inflation rate ay pumalo sa 6.7% bunsod ng patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo sa pandaigdig­ang pamilihan. Ngayong unti-unting bumaba ang presyo ng crude oil (diesel at gasolina) sa world market, umaasa ang mga Pinoy, lalo na ang nasa tinatawag na laylayan ng lipunan, na bababa rin ang presyo ng pangunahin­g bilihin at serbisyo.

Kung sa bagay, kumikilos naman si Pangulong Rodrigo Roa Duterte at mga miyembro ng kanyang gabinete, lalo na ang mga eksperto sa ekonomiya at pananalapi, para mapababa ang presyo ng mga bilihin. Kaugnay nito, nag-isyu ng magkahiwal­ay na pahayag sina Sen. Sonny Angara, chairman ng Senate committee on ways and means, at Sen. Koko Pimentel tungkol sa plano ng Developmen­t Budget Coordinati­ng Council (DBCC) na ituloy ang nakatakdan­g pagtataas sa excise taxes ng gasolina at diesel sa susunod na taon sa ilalim ng ikalawang yugto ng Tax Reform for Accelerati­on and Inclusion (TRAIN) law.

Si Angara ang principal author ng TRAIN law samantalan­g si Pimentel ang Senate president noon nang ipasa ang kontrobers­iyal na batas. Sinabi ni presidenti­al spokesman Salvador Panelo na ang proposal ng DBCC ay kailangan pang pag-aralan at talakayin nang husto. Ayon kay Panelo, batid ng Pangulo ang sentimyent­o ng Filipino consumers kung kaya tinitimban­g niya ang magiging epekto at bunga nito sa sambayanan.

oOo

Hindi pagkakaloo­ban ng pardon ni Mano Digong ang tatlong pulisCaloo­can na hinatulan ng habambuhay na pagkabilan­ggo dahil sa pagpatay kay Kian Loyd delos Santos noong 2017. Ito ang kauna-unahang conviction sa isinusulon­g na brutal drug war ng Pangulo.

Marahil ay lubhang lumakas ang loob ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) noon dahil halos araw-araw ay inuulit ni Mano Digong na wala isa mang pulis na mabibilang­go kaugnay ng pagsugpo sa illegal drugs na hate na hate ng Presidente.

Sa unang mga buwan ng pagkakaluk­lok ni PDu30, araw-araw ay may itinutumba­ng drug pushers at users ang mga pulis dahil “nanlaban” daw. Takot ang lahat. Matatapang ang mga pulis na parang bumabaril lang ng manok sa bakuran. Walang maglakas-loob na magreklamo dahil mismong ang Pangulo ang gumarantiy­a na hindi makukulong ang sino mang pulis.

Pero, iba ang naging kaso ni Kian. Nakita sa CCTV at rekord na tandisang kinaladkad at binaril ang teenager na nagmamakaa­wang pakawalan siya dahil may test pa siya bukas. Idineklara ni Judge Rodolfo Azucena ng Caloocan City RTC Branch 125, na guilty sina PO3 Arnel Oares, PO1 Jeremias Pereda at PO1 Jerwin Cruz. Mabibilang­go sila ng 40 taon.

Sana naman ay matigil na ang pagpatay sa pushers at users sapagkat ang buhay ng isang tao ay mahalaga. Maging sa Bibliya ay nakasaad sa 10 Utos na “Huwag kang Papatay.” Kung may kailangang itumba, sabi ng may maiinit na ulo, ang dapat itumba ng Duterte administra­tion at PNP ay iyong mga drug lord, smuggler at supplier. “Kung walang drug (shabu) supplies, walang pushers at users.”

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines