Balita

Cardi B, ‘di sumipot sa hearing ng kasong assault

-

MULING itinakda ng New York judge nitong Lunes ang court hearing ni Cardi B sa Biyernes nang hindi ito dumalo sa korte para harapan ang kasong assault na isinampa sa kanya, na kaugnay ng gulong kinasangku­tan niya sa isang strip club. Aarestuhin si Cardi B kapag hindi pa siya sumipot sa hearing sa Biyernes.

Sumuko ang 26-year-old performer, tunay na pangalan ay Belcalis Almanzar, sa mga pulis noong Oktubre makaraang akusahan na sangkot sa insidenten­g naganap sa ngels NYC strip club, noong Oktubre 15.

Sinabi ni Judge Scott Dunn sa kanyang abogado: “to convey to her that it’s not acceptable that she’s not here today.” Hindi sumipot si Cardi sa nakatakda niyang hearing.

“You should inform her that if she doesn’t show up to the arraignmen­t on December 7, that unless the circumstan­ces change, then it’s very likely the court will issue a bench warrant for her arrest,” sabi ng judge sa kanyang abogadong si Jeff Kern.

Ilang beses nang naguna si Cardi B, isang two-time Grammy award nominee, sa music charts sa mga nakalipas na taon dahil sa mga kanta niyang Bodak Yellow at Girls Like You, ang kolaborasy­on kasama ang Maroon 5.

Ayon sa New York Times, inakusahan ni Cardi B ang dalawang magkapatid na babae na mga bartender sa Angels NYC club na may lihim na relasyon sa kanyang asawang si Offset, miyembro ng rap trio na Migos. Sabi ng pulisya, iniulat ng pahayagan na inatake ng mga bodyguards at miyembro ng kanyang grupo si ang magkapatid at pinagbabat­o ng mga bote at upuan.

 ??  ?? Cardi B
Cardi B

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines