Balita

LASON SA LAMBANOG?

4 patay, 6 naospital sa QC

- Ni JUN FABON

Masusi ngayong inimbestig­ahan ng Quezon City Police District-Criminal Investigat­ion and Detection Unit (QCPD-CIDU) ang pagkasawi ng apat na tricycle driver na sinasabing nalason sa pagtagay ng lambanog, sa Novaliches, Quezon City.

Inimbestig­ahan na ni Supt. Elmer Monsalve, hepe ng CIDU, ang umano’y pagkalason sa lambanog nina Dennis Cuadra y Umali, 37; Alvin Reyes y Carion, 42; Delfin Banyangos, 58; at Crispulo Mateo, pawang tricycle drivers at mga residente ng Barangay San Bartolome, Novaliches.

Sunud-sunod na nasawi ang apat matapos ang ilang araw na pagkakacon­fine sa Novaliches District Hospital at East Avenue Medical Center.

Kritikal naman at patuloy pang inoobserba­han sa mga nabanggit na ospital ang anim pang kapwa nila tricycle driver at nakainuman ng lambanog na sina Felimon Quintana, Ricardo Cuadra, Alfredo Cuadra, Paneque Concepcion, Joel Flores, at isang “Lucio”.

Base sa paunang imbestigas­yon ni Chief Insp. Nick Fontanilla ng CIDU, nagkaroon umano ng pulong ang mga opisyal at kasapi ng tricycle operators and drivers associatio­n (TODA) bandang 3:00 ng hapon nitong Disyembre 1 sa bahay ng presidente ng TODA na si Romeo Mateo, sa De Guzman Compound sa P. Dela Cruz St., Bgy. San Bartolome.

Makalipas ang isang oras ay masayang nag-inuman ng lambanog ang grupo at pagsapit ng 6:00 ng gabi at dumanas na ang mga biktima ng matinding pananakit ng tiyan.

Nabatid na makalipas ang dalawang araw na pagkakarat­ay sa Novaliches District Hospital ay binawian ng buhay sina Cuadra, Banyangos at Reyes, dahil sa cardiac arrest, at nitong Martes ay namatay na rin si Mateo sa EAMC.

Kumuha naman ng sample ng ininom na lambanog ang Bureau of Food and Drugs (BFAD), habang nagsasagaw­a naman ng parallel investigat­ion ang QCPD.

Nakipag-ugnayan na ang CIDU sa Crime Laboratory ng National Bureau of Investigat­ion (NBI) para matukoy sa awtopsiya kung pagkalason sa lambanog ang sanhi ng pagkamatay ng apat na driver.

Ayon sa CIDU, inimbitaha­n na ang isa pang tricycle driver na kasamahan ng mga biktima para tanungin kung saan binili ang lambanog, na wala umanong seal ng Food and Drugs Administra­tion (FDA).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines