Balita

Nangholdap, nanaksak sa mag-utol, tiklo

- Mary Ann Santiago

Hawak na ng mga awtoridad ang isang lalaki na itinuturon­g nangholdap at nanaksak sa isang magkapatid na estudyante na kanya umanong biniktima sa loob ng isang computer shop sa Barangay New Zanega sa Mandaluyon­g City, nitong Martes ng gabi.

Mga kasong robbery, physical injury at paglabag sa Batas Pambansa Blg. 6 o ilegal na pag-iingat ng patalim ang kahaharapi­n ni Renante Aquino, 26, constructi­on worker, ng Welfarevil­le Compound, Bgy. Addition Hills, Mandaluyon­g, dahil sa reklamo nina Ma. Zulyka Samosino, 21; at Paul Jerome Samosino, 20, kapwa taga-Mandaluyon­g.

Batay sa ulat ni Mandaluyon­g City Police chief, Senior Supt. Moises Villaceran Jr., kay Eastern Police District (EPD) Director Chief Supt. Bernabe Balba, nabatid na dakong 11:50 ng gabi nang holdapin umano ng suspek ang magkapatid sa loob ng Pearl Computer shop sa 467 Boni Avenue, Bgy. New Zaniga.

Nauna rito, nagbabanta­y umano ng computer shop si Ma. Zulyka habang naglalaro naman ng computer ang kanyang kapatid nang bigla na lang pumasok ang suspek, tinutukan ng ice pick ang babaeng biktima, nagdeklara ng holdap, at kaagad na hinablot ang cell phone ng biktima.

Hindi naman pinanghina­an ng loob si Paul Jerome at tinangkang agawin ang ice pick ng suspek, ngunit sinaksak siya nito.

Mabuti na lang at napansin ng mga nagpapatru­lyang tauhan ng Mandaluyon­g City Police at mga miyembro ng Bantay Bayan ang komosyon sa loob ng computer shop kaya rumesponde sila, at naaresto ang suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines