Balita

Magpinsan, 12 pa, huli sa buy-bust

- Orly L. Barcala

Arestado ang magpinsan na kapwa umano sangkot sa gun running activities sa buy-bust operation, habang 12 pa ang dinakip nang mahuli umano sa aktong gumagamit ng droga sa Navotas City, nitong Martes ng hapon.

Sa report kay Northern Police District (NPD) director, Police Chief Supt. Rolando B. Anduyan, may intelligen­ce report silang natanggap kaugnay ng gun running activities ni Jaime Tupang, 51, ng No. 133 R. Domingo Street, Barangay Tangos, Navotas City.

Ikinasa ng mga tauhan ni Director Anduyan ang buy-bust operation sa bahay ni Tupang, dakong 1:00 ng madaling araw.

Isang pulis ang nagpanggap na buyer ng .45 caliber sa halagang P15,000.

Pagkaabot ng baril, dinakma ng mga pulis ang suspek at pumasok ang mga ito sa bahay ng huli para kumuha ng iba pang ebidensiya at dito na huli sa aktong bumabatak ng shabu sina Alexis Basaya, 29; Jayson Gonzales, 33; Nestor Semania, 32; Nelson Serdefia, 34; Edwin Lazos, 19; Edgar Tugano, 34; Judy Ann Mariel Lafuente, 21; Jomel Simporios, 19; at talong menor de edad, 16, 15, at 19.

Nakumpiska sa operasyon ang mga shabu, na aabot sa halagang P100,000 at mga drug parapherna­lia.

Matapos ang interogasy­on kay Tupang, itinuro niya sa mga pulis ang inuupahang apartment ng kasabwat na pinsan na si Jhulius Simporios, 24, sa Dulong Hernandez, Bgy. Catmon, Malabon City, bandang 2:00 ng hapon.

Huli rin sa akto ang suspek na nakahubad baro at may nakasukbit na .38 caliber na baril sa bewang.

Kinasuhan ang mga nahuli sa pot-session ng paglabag sa RA 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002) habang ang dalawang menor de edad ay dinala sa City Social Welfare and Developmen­t Office ng Navotas City.

Kinasuhan naman ang magpinsan ng RA 10591 Comprehens­ive Firearms and Ammunition Regulation Act).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines