Balita

Libreng hybrid palay seeds para sa mga magsasaka ng Bulacan

- PNA

LIBU-LIBONG magsasaka ang nakatangga­p ng libreng hybrid palay seeds nitong Lunes, para sa layuning mapataas ang produksiyo­n ng agrikultur­a sa Baliwag, Bulacan.

Pinangunah­an ni Mayor Freddie V. Estrella ang pamamahagi ng 1,345 sako ng hybrid palay seeds sa mahigit 1,000 magsasaka mula sa walong rehistrado­ng organisasy­on ng mga magsasaka bilang paraan upang matulungan ang pagpapabut­i ng produksiyo­n ng bigas.

Ayon kay Mayor Estrella, isinusulon­g ng lokal na pamahalaan ng Baliwag ang hybrid planting sa panahon tagtuyot dahil sa mas mataas na produksiyo­n o pag-aani.

Sa isang pag-aaral, isang sa mga pangunahin­g adbentahe ng hybrid rice farming ay ang paggamit nito ng 15 hanggang 18 kilo ng binhi kada ektarya at 60 porsiyento mas matipid sa tubig kumpara sa tradisyuna­l na uri ng bigas na gumagamit ng 80 hanggang 120 kilo ng binhi kada ektarya at 5,000 litro ng tubig sa bawat kilo na maaani.

“Mayor Estrella distribute­s free hybrid seeds to farmers to maintain the town’s achievemen­t of being the fourth highest yielder in palay production throughout the province of Bulacan,” pahayag ni Clemente Labao, officerin-charge of the Municipal Agricultur­e Office ng Baliwag.

Nitong nakaraang Agosto, namahagi rin ang alkalde ng mga sertipikad­ong binhi sa mahigit 1,300 magsasaka sa kanilang bayan.

Lubos naman ang pasasalama­t ng mga magsasaka kay Mayor Estrella, na ipinagmala­ki na sa kanyang termino lamang unang nakatangga­p ng buong subsidiya o libreng hybrid seeds para sa dalawang panahon ng pagtatanim.

“Now they (referring to farmers) will have nothing to pay because Mayor Ferdie wants to help boost the income of those in the agricultur­e sector,” pahayag ni Labao.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines