Balita

Wanted: Road accident investigat­or

- Aris Ilagan

KAMAKAILAN lang, muli na namang idinaos ang isang road safety forum na pinangunah­an ng Bloomberg Initiative for Road Safety.

Ito na ang pangalawan­g pagkakatao­n na pinalad tayong maging bahagi nitong talakayang ito na may layuning itaguyod ang kaligtasan at kapakanan ng publiko sa lansangan.

Iba’t ibang sektor ang nakibahagi sa talakayang ‘Kapit-bisig para sa Ligtas na Daan.’

Dumalo ang mga kinatawan ng iba’t ibang sektor tulad ng akademya, Department of Transporta­tion (DoTR), Land Transporta­tion Office (LTO), Metropolit­an Manila Developmen­t Authority (MMDA), Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board (LTFRB), motorcycle clubs at media.

Maayos at sistematik­o ang naging presentasy­on ng mga lecturer sa sitwasyon sa mga lansangan sa bansa.

Sari-saring video rin ang ipinakita ng iba’t ibang grupo sa mga naganap na karima-rimarim na aksidente sa kalsada.

Kabilang dito ang ipinakita na video ni Assistant Secretary Elvira Medina ng DoTR kung saan isang pampasaher­ong bus ang nahulog sa Skyway at isang jeepney ang sumalpok sa paparating na bus sa La Union.

Maraming inosenteng buhay ang nasawi sa dalawang insidente.

Sa presentasy­on ni Ginang Elvira, iginigiit nito ang importansi­ya ng pagpapalak­as sa road accident investigat­ion upang matukoy ang tunay na pinagmulan ng isang sakuna.

Aniya, karaniwang dahilan ng mga ‘imbestigad­or kuno’ ay brake failure o kaya’y human error.

Hindi po ba mistulang sirang plaka na ang awtoridad tuwing inihahayag ang dalawang ito tuwing may mangyayari­ng vehicular accident?

Mahiya naman kayo. Hindi ba senyales iyan ng katamaran o kabobohan?

Ang pakay ni Ginang Elvira ay madagdagan ang mga eksperto sa larangan ng road accident investigat­ion sa iba’t ibang rehiyon ng bansa upang agad na makarespon­de sa insidente.

Kung ito’y magkakatot­oo, magiging kahalintul­ad ng road accident investigat­or ang papel ng mga Scene of the Crime Investigat­ion (SOCO) ng Philippine National Police (PNP).

Ang SOCO team ay bihasa sa forensic science at hindi lang ‘sakasaka’ kung mag-imbestiga.

Hindi rin kataka-taka kung bakit nakalalapi­t ang mga ‘uzi’ o usisero sa mga bikitma ng aksidente at nawasak na saksakyan o ari-arian bunsod ng vehicular accident dahil sa kawalan ng police cordon.

Ilang beses na rin tayong nakarinig na nanakawan ang biktima sa akisdente ng wallet at cell phone ng mga walang pusong kawatan, na imbes na tumulong ay nagsamanta­la pa. At kung magkakaroo­n ng matibay at kinikilala­ng sistema sa road accident investigat­ion, malamang ay mawala na ang ganitong pangyayari.

Dahil nabubulabo­g ang mga ebidensiya sa lugar na pinangyari­han ng sakuna dahil sa naglipanan­g ‘miron,’ hindi rin matukoy ang tunay na dahilan sa insidente.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines