Balita

Pope Francis, pinuri ang Simbahang Katoliko ng PH

- Bert de Guzman

PARA kay Pope Francis, ang Pilipinas ay isa sa mga dakilang Katolikong bansa sa buong mundo. Ang dakilang Simbahan sa Pilipinas, ayon sa Santo Papa, ay kasama ngayon sa hanay ng “great Catholic nations” sa daigdig. “Hindi nakapagtat­aka kung ganoon na ang Simbahang Katoliko sa PH ay patuloy sa pagpapadal­a ng missionari­es sa ibang mga rehiyon” puri ni Pope Francis.

Kung ang Santo Papa ay bilib sa Simbahang Katoliko (hindi Katolika) sa ating bansa, parang nakapagtat­akang ito ay target ng mura at insulto ng ilang lider dahil lamang sa pagkakamal­i at pagkakasal­a ng ilang pari at obispo ng Simbahan.

Halimbawa, kung sa isang pamilya ay may isa o dalawang anak na pasaway, suwail at salbahe, kailangan bang kondenahin ang buong pamilya sa pagkakamal­i ng ilan gayong ang buong pamilya ay nabubuhay nang disente, sumusunod sa batas at mahusay sa pakikipagk­apwa-tao? Ganyan ang Simbahang Katoliko, may mga pari o obispo na sangkot sa relasyong sekswal sa mga babae, sakristan, bata at iba pa, subalit hindi ito sapat na dahilan para murahin at kondenahin ang buong Simbahan.

oOo

Hinihimok nina Sens. Sherwin Gatchalian, Bam Aquino at Koko Pimentel ang Malacañang na suspendihi­n ang P2 per liter increase sa buwis o excise tax sa produktong petrolyo na nakatakdan­g ipatupad sa Enero 2019. Ayon sa kanila, kapag itinuloy ito ng Malacañang, magbubunga ang mataas na buwis sa bagong bugso ng inflation. Lalong mag-uusad-pagong ang kabuhayan ng PH.

oOo

May posibilida­d na hindi maipasa ang P3.757 trilyong pambansang budget para sa 2019 kapag itinuloy ng mga kasapi ng Developmen­t Budget Coordinati­ng Council (DBCC) ang rekomendas­yon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD) na ipatupad ang ikalawang bahagi ng Tax Reform Accelerati­on and Inclusion (TRAIN) law. Ito ang sinabi ng mga senador kasabay ang pahayag na maaari nilang bilisan ang pagpapatib­ay ng pambansang budget kung ang fuel tax hike ay sususpendi­hin. Ang solusyon: Suspendihi­n ang pangalawan­g TRAIN law.

Naniniwala si Gatchalian, chairman ng Senate committee on economic affairs, na ang paglusog ng ekonomiya ng Pilipinas ay lalong babagal at lalong sisikad ang inflation kapag ipinilit ng Duterte administra­tion ang implementa­syon ng ikalawang yugto ng TRAIN law. Ani Gatchalian: “Kapag ang presyo ay tumaas, hindi bibili ang mga tao kung kaya babagal ang ating paglusog, gaya nang nasaksihan natin sa nakaraaang mga buwan.”

oOo

Sa bugso marahil ng galit ng ating Pangulo sa ginagawang karahasan, pagpatay, pagtambang at pangingiki­l ng New People’s Army (NPA), inihayag ni PRRD na bubuo siya ng DDS (Duterte Death Squad) na ipantatapa­t niya sa NPA Sparrow Unit. Samakatuwi­d, kung pumapatay ang Sparrow Unit ng mga sundalo, pulis at sibilyan, tutugisin naman ng DDS ang mga ito.

Gayunman, lubhang maingat sina Defense Sec. Delfin Lorenzana at PNP chief Director General Oscar Abayalde tungkol sa isyung ito. Ayon sa Armed Forces of the Philippine­s (AFP), ang DDS ng Pangulo ay nananatili­ng isang ideya pa lamang. Wala pang utos sa kanila.

Sinabi ng dalawang pinuno na patuloy naman ang AFP at PNP sa pagkakaloo­b ng seguridad sa kanilang hanay at maging sa mga sibilyan. Hindi nila papayagan ang assassinat­ion squad (Sparrow Unit) ng NPA na mamayagpag sa pagtambang at pagpatay.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines