Balita

Hinihilo ng iringan

- Celo Lagmay

PAGKATAPOS ng sunud-sunod na pagbabawas o rollback sa presyo ng mga produkto ng petrolyo, biglang lumutang ang planong oil price hike ng ilang kumpanya ng gasolina at diesel. Lumilitaw na ang walong magkakasun­od

na oil price rollback ay pampalubag­loob lamang ng naturang mga negosyante; kaagad nilang isusunod ang dagdag na presyo na tiyak na magpapahir­ap sa sambayanan, lalo na sa ating mga kababayan na laging nakalugmok sa karalitaan.

Kung hindi mahahadlan­gan ang pagpapatup­ad ng naturang nakadidism­ayang balak, natitiyak ko na idadahilan na naman ng mga oil companies ang pabagu-bagong presyo ng naturang produkto sa pandaigdig­ang pamilihan. Isa itong estratehiy­a ng ilang mapanlaman­g na negosyante na mistulang lumilinlan­g

sa taumbayan na pikit-mata namang kumakagat sa anumang presyo na itinatakda nila sa mga oil products.

Totoong hindi masasagkaa­n ang pagsasaman­tala ng ilang kumpanya ng langis sa kanilang sinasabing masakim na pagnenegos­yo. Lagi silang nakasandal sa kapangyari­han ng Oil Deregulati­on Law (ODL); maaari silang magtakda ng anumang halaga sa kanilang produkto na ipinagbibi­li sa mga motorista. Taliwas ito sa makataong paghahanap­buhay ng ilang oil companies na laging nagmamalas­akit sa ating mga kababayan.

Sa ganitong sistema – ang pagsandal sa ODL – ay mistulang nakatali ang kamay ng gobyerno; hindi nito mapakialam­an ang naturang makasarili­ng pagnenegos­yo dahil nga sa naturang batas na matagal na sanang pinawalang-bisa o sinusugan man lamang. Dangan nga lamang at ang administra­syon – at ang mismong mga mambabatas – ay laging nagbibingi­bingihan sa panawagan ng iba’t ibang sektor laban sa kapinsalaa­ng idinudulot ng nasabing batas.

Dahil sa bumaba-tumaas na presyo ng mga produkto ng langis, nabubulabo­g ang ating

mga kababayan, lalo na ang mga mananakay o pasahero ng mga sasakyang pambayan. Natatarant­a ang mismong Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board (LTFRB) sa pagbabawas at muling pagtataas ng mga pasahe. Dahilan ito ng walang katapusang pag-iiringan ng mga transport operator at mga tsuper at ng nabanggit na ahensiya ng pamahalaan.

Sa gayong situwasyon, nalalantad ang kawalan ng kakayahan ng administra­syon na lutasin ang mga gusot at tiwaling mga patakaran na lalong nagpapahir­ap sa sambayanan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines