Balita

Jessy, type gumawa ng vlog tungkol sa depression

- Ni ADOR V. SALUTA

SA grand presscon ng The Girl in the Orange Dress, ibinahagi ni Jessy Mendiola na dumanas siya ng depression noong panahong nagpatung-patong na ang isyu sa relasyon niya with ex-BF JM de Guzman, bukod pa sa ibang mga intrigang kinaharap niya noon.

Nakadagdag sa kanyang depression ang bashing na kanyang natatangga­p mula sa fans ng dati niyang nakarelasy­on. Maging ang insidente sa eroplano involving

Enrique Gil noong ginanap ang ASAP Live in London, taong 2015, ay isa sa mga malalaking dagok sa buhay na kanyang pinagdaana­n.

Sa panayam sa aktres, inamin niya ang naging pakikibaka niya sa depression.

“Two years, hindi buwan, seryoso,” ani Jessy.

“I had a doctor for that. I’m not afraid to admit that. Kasi talagang nangyari sa akin and gusto ko rin magkaroon ako ng vlog [video blog] about it, and I wanna spread awareness na depression is not a joke.

“And bashing and cyber bullying really affect people, especially us, celebritie­s.”

Gaya ng ilang taong nakakarana­s ng depression, pinagtangk­aan din daw niya ang sariling buhay.

“Pero alam mo ‘yung feeling mo na hanggang birthday mo, hindi ka tatayo sa kama, sa kuwarto ka lang.”

Kasunod nito, ibinahagi ni Jessy ang mga pinagdaana­n niya noong 2015.

“May plane harassment, ‘yung I had an ex before na mahirap to deal with. ‘Yung mga ganung bagay, very personal, nagpatung-patong siya.”

Tinukoy ng PEP noong September 10, 2015, ang tungkol sa plane incident na kinasangku­tan ng Kapamilya stars na sina Jessy, Enrique Gil, Luis Manzano, at Liza Soberano sa flight nila patungong London, England, para sa ASAP Live in London.

Base sa report, nakainom umano si Enrique noon sa flight at kinukulit nito si Jessy. Ngunit hindi raw pinansin ng aktres ang aktor, na lalong nagpainit sa ulo ni Enrique.

Sa puntong ito ay inawat na raw ni Luis si Enrique sa pangunguli­t.

Doon na raw nagkaroon ng confrontat­ion sa pagitan nina Luis at Enrique.

Ang The Girl in the Orange Dress ay entry ng Quantum Films,

Star Cinema, at MJM Production­s sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018. Kasama rin sa pelikula sina Jericho Rosales, Ria Atayde, Sheena Halili, Hannah Ledesma, Nico Antonio, Via Antonio,

Cai Cortez, at Juan Miguel Severo, sa direksiyon ni Jay Abello.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines