Balita

Enzo Pelojero, malaking tulong sa pamilya

- Ador V. Saluta

ANG produkto ng “Mini-Me Kids” sa It’s Showtime na si Enzo Pelojero na ang bagong Hammerhead Kids celebrity endorser, ayon sa PR ng HH na si Dada. Pinalitan ni Enzo si Onyok,

ang dating batang aktor sa Ang Probinsyan­o.

Parehong gumaganap na alagang bata ni Coco Martin

sina Onyok at Enzo sa seryeng

Ang Probinsyan­o. Sumikat at nakilala ang dalawang child star sa serye subalit kinalaunan ay nawala na rin. Si Onyok ay isang taon nang ‘di napapanood sa serye, habang si Enzo ay nito lang nakaraang buwan um-exit sa Ang Probinsyan­o.

Tinanong namin sa may-ari ng Hammerhead na si Mr. Mario Ong kung bakit ‘di na bila ni-renew ang kontrata ni Onyok. Paliwanag niya sa amin, “visibility”. Ang palagi raw napapanood sa TV ay malaking factor kung bakit nila kinukuhang endorser ang isang celebrity.

Like no’ng nawala raw sina Onyok at Arjo Atayde (also a Hammerhead endorser) sa seryeng Ang Probinsyan­o bumaba raw ang sales ng HH t-shirt lalo na sa probinsya.

Kuwento pa niya, “sa Visayas at lalo na sa Mindanao, laging sold-out ang Hammerhead do’n. Pero no’ng mawala si Onyok at si Arjo sa ‘AP’, nag-decline ang sale, malaki ang epekto. Hindi naman lugi pero malaki ang nabawas,” sey ni Mr. Ong.

Tinanong din namin ang may-ari ng HH kung bakit si Enzo ang napili nilang endorser kapalit ni Onyok.

“Si Enzo ay napapanood namin sa serye ni Coco Martin dati. Ang lakas ng impact niya sa TV, magaling um-acting,” pagmamalak­i nito sa child star.

Bagamat nawala na rin si Enzo sa Ang Probinsyan­o, malaking factor daw sa kanila ang pagiging cast nito sa seryeng tatampukan ni Judy Ann Santos, ang Starla.

“Isa ‘yun sa kinonsider namin na kahit one month lang siya kay Coco, makakasama naman siya sa ‘Starla’ at malaking bagay na nakikita namin sa credits ang produkto,” sey pa ng Mr. Ong.

Sa panayam naman namin kay Enzo, naging produkto pala siya ng “Mini-Me” sa It’s Showtime bilang little Daniel Padilla. Pagkatapos ng “Mini-Me”, kinuha siyang child actor sa My Dear Heart, bago tumuloy sa Ang Probinsyan­o

at ngayon nga ay sa Starla.

Pitong taon pa lamang si Enzo at kasalukuya­ng nagho-home study sa School of Tomorrow, B.F Homes, Paranaque. Sa Cavite sila nakatira.

“Bumili na po kami ng kotse. At ngayon po, pinapagawa na ‘yung extension ng bahay namin, kaya ngayon, nagri-rent si daddy ng condo, para malapit na kami sa ABS,” pagmamalak­i ng child actor sa kanyang mga naipundar.

 ??  ?? Enzo
Enzo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines