Balita

Bedan spikers, magpapa katatag sa Season 81

- Marivic Awitan

(Filoil Flying V Center) 8:30 n.u. -- EAC vs San Beda (j/m/w)

2:00 n.h. -- San Sebastian vs. Arellano (w/m/j)

MANATILI sa solong pamumuno ang tatangkain ng San Beda University habang magaagawan sa solong ikalawang puwesto ang San Sebastian College at reigning titlist Arellano University sa pagpapatul­oy ng aksiyon sa women's division ng NCAA Season 94 Volleyball Tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Nag-iisa sa ibabaw ang Lady Red Spikers sa kasalukuya­n taglay ang malinis na markang 3-0, kasunod ang Lady Stags at Lady Chiefs na may parehas na kartadang 2-0.

Unang sasabak at pinapabora­ng makamit ang pang-4 na sunod nilang panalo ang San Beda kontra Emilio Aguinaldo College Lady Generals ganap na ika-12 ng tanghali pagkatapos ng tapatan ng kani-kanilang mga juniors at men's squads na magsisimul­a ng 8:30 at 10:00 ng umaga, ayon sa pagkakasun­od.

Gaya ng dati, inaasahang mangunguna para sa hangad ng San Beda na pang-apat na dikit na panalo sina Nieza Viray at Cesca Racraquin.

Matinding bakbakan naman ang aantabayan­an sa tapatan ng Arellano at San Sebastian na maguunahan­g makatatlon­g sunod na panalo sa kanilang duwelo ganap na 2:00 ng hapon.

Sisikapin ng Lady Stags na bumawi sa ginawang pagwawalis sa kanila ng Lady Chiefs sa nakalipas na season habang magtatangk­a naman ang Arellano na patuloy na makaagapay sa San Beda sa liderato.

Samantala, sa huling dalawang laban, magtutungg­ali naman ang kanilang men's at juniors squads ganap na 3:30 at 5:00 ng hapon ayon sa pagkakasun­od.

Tatangkain ng Braves(3-0) na masolo ang pamumuno sa juniors kung saan kasalo nila sa kasalukuya­n ang University of Perpetual Help habang manatili sa ikalawang posisyon sa men's side ang hangad ng Chiefs (2-1) sa pagsagupa nila sa Stags(1-1).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines