Balita

Jessy, inakusahan­g ‘user’ ng LizQuen fans

- Nitz Miralles

NAG-TRENDING si Jessy Mendiola

pagkatapos ng presscon ng The Girl in the

Orange Dress dahil bukod sa movie ng Quantum Films na first team-up nila ni Jericho Rosales,

natanong din siya sa relasyon nila ni Luis

Manzano. Marami ang kinikilig sa dalawa at gusto na ng marami na magpakasal na sila. Nag-trending din si Jessy dahil sa comment tungkol sa ex niyang si JM de Guzman at ang pagbanggit niya sa insidente sa eroplano na may kinalaman kay Enrique Gil.

Dahil doon, na-bash si Jessy, at naakusahan pang ginagamit ang throwback issue kina JM at Enrique to promote The Girl in the Orange Dress.

Majority sa reaction ang nagsabing dapat prinomote na lang ni Jessy ang movie na entry sa 2018 MMFF na mapapanood na sa December 25, at hindi na binalikan ang isyu nila ni JM at Enrique. Mas nag-react ang fans ni Enrique at fans nila ni Liza Soberano at tinawag si Jessy na “user” at “pathetic.” Ginagamit daw nito ang old issues to promote her movie, dapat daw mag-focus na lang siya sa movie.

In fairness, sinagot lang ni Jessy ang tanong ng mga reporter sa presscon dahil nabanggit nitong nagkaroon siya ng depression dahil sa sunud-sunod na kanegahang nangyari sa kanya.

Pero may pumuri rin sa tapang ni Jessy at nag-comment ng: “Kudos #JessyMendi­ola for standing up & showing that #women don’t have to take disrespect nor give ‘showbiz answers’ and easy forgivenes­s, esp for someone who hasn’t said sorry. Shocked at the victim blaming in the comments.”

Tsinek namin ang Instagram ni Jessy, wala pa naman kaming nabasang comment na inaway siya at karamihan sa comment, binati siya ng happy birthday. Ang iba, nagko-congratula­te sa The Girl in

the Orange Dress at nangakong susuportah­an ang pelikula.

 ??  ?? Enrique at Liza
Enrique at Liza

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines