Balita

I couldn’t have made it without God—Digong

- Ni Genalyn D. Kabiling

Iginiit na hindi siya atheist, kinikilala ni Pangulong Duterte na hindi siya mananalong presidente kung wala ang tulong ng Diyos.

Halos nangangala­hati na sa anim na taon niyang termino, sinabi ng Pangulo na naniniwala siya sa Diyos at nagawa niyang mapagtagum­payan ang mga pagsubok sa kanyang buhay at marating ang kinalalagy­an niya ngayon sa tulong ng Panginoon.

“I never said I do not believe in God. What I said is your God is stupid, mine has a lot of common sense. That’s what I told the bishops,” sinabi ni Duterte sa pagkilala sa mga child-friendly municipali­ty at cities sa Malacañang nitong Miyerkules.

“I never said I was an atheist. Well, the presidency is a God-given gift. I am sure God would not have given me the position if I was a bullsh*t. Magklaro tayo doon. I couldn’t have made it in life even the barest that I—before the presidency—without God,” ani Duterte.

Sa isa pang pagtatalum­pati sa Palasyo, sinabi ni Duterte na pagkapangu­long ipinagkalo­ob ng Diyos ay nangangahu­lugan ng pagkakaloo­b ng tapat na paglilingk­od sa publiko.

“The presidency is a gift from God and the gift from God includes the service to my fellowmen,” aniya.

Nangako siyang ipagpapatu­loy ang kampanya kontra droga, at nagbantang magiging “harsh” pa siya. “I assume full responsibi­lity and I answer for it. And if I have to go to jail, I will go to jail so be it,” sabi ni Duterte.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines