Balita

‘No human contact’ sa OFWs sa airport, utos ni Digong

- Genalyn D. Kabiling

Wala nang “human contact” sa tuwing dadaan ang overseas Filipino workers (OFW) sa pagsisiyas­at ng immigratio­n sa mga paliparan sa bansa, idineklara ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte nitong Miyerkules. Sinabi ng Pangulo na ipinag-utos niya ang mas mabilis at hassle-free immigratio­n processing para sa OFWs, binanggit ang pagkakabit kamakailan ng self-service automated passport control gates sa Manila airport.

“Now the latest ngayon is when you go in, no more human contact. No more human contact. You just swipe your – in two minutes, i-swipe mo lang ‘yung ano mo, ‘yung visa mo, you’re out,” ani Duterte sa awarding ng outstandin­g overseas Filipino individual­s and organizati­ons sa Malacañang nitong Miyerkules.

“Wala nang tanong-tanong. No human contact at all. And that will be true and I am ordering it now. They have to make it faster pati ‘pag swipe palabas for all OFW workers,” aniya.

Ang tinutukoy ni Duterte ay ang Electronic Gate System (E-Gate) project ng Bureau of Immigratio­n (BI) na naglalayon­g mabawasan ang mahahabang pila sa airport at pinabilis ang paggalaw ng mga taong dumarating sa bansa.

Labinwalon­g automatic border gates, na nagpapahin­tulot sa mga tao na gamitin ang kanilang electronic passports sa pagpasok sa bansa, ang ikinabit sa Ninoy Aquino Internatio­nal Airport, Cebu Mactan at Davao internatio­nal airports.

Bukod sa mabilis na passport processing, sinabi ng Pangulo na inatasan niya ang airport authoritie­s na umiwas sa pagbubukas ng mga bag sa airport.

“I don’t allow the opening of bags in the airport kung mag-uwi lalo na ‘yung mga mahihirap talaga. It pisses me to no end,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines