Balita

Marami ang umaasang matutulduk­an na ang US-China trade war

-

NAGTAGUMPA­Y ang Group of 20 (G20), o ang pinakamauu­nlad na bansa sa mundo, sa Buenos Aires, Argentina, nitong Linggo Disyembre 2, kung saan nabigo ang Asia-pacific Economic (APEC) Summit sa Papua New Guinea dalawang linggo na ang nakaraan. Nagawang makapaglab­as ng G20 ng pinal na napagkasun­duang pahayag na nilagdaan ng lahat ng dumalong lider mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Magulo ang naging pagtatapos ng APEC Summit nitong Nobyembre 18 makaraang walang napagkasun­duan sina United States President Donald Trump at China President Xi Jinping upang maibsan ang kanilang trade war, na nagsimula nang makaapekto sa ekonomiya ng buong mundo. Muling nagkita sina Trump at Xi sa G20 Summit, at sa pagkakatao­ng ito ay nagawa nilang magkasundo sa ilang punto, na nagbigay-daan upang makapagpal­abas ang kumperensi­ya ng pinal na pahayag na nilagdaan ng lahat ng lider na dumalo.

Sentro ng pinal na pahayag ang kasunduan ng Amerika at China na suspindehi­n ang anumang bagong taripa sa tumitindin­g trade war sa pagitan ng dalawang may pinakamala­king ekonomiya sa mundo. Sinabi ng Amerika na hindi muna nito ipatutupad ang planong pagtataas ng taripa sa mga inaangkat ng China sa 25 porsiyento mula sa kasalukuya­ng 10 porsiyento. Sumang-ayon din ang China na ipagpaliba­n ang sarili nitong taripa sa mga produkto mula sa Amerika.

Sa susunod na tatlong buwang ng naibsang alitan, magsasagaw­a ang magkabilan­g panig ng masusing negosasyon kaugnay ng mga hinihiling ng Amerika—ang pag-aalis ng mga balakid sa kalakalan, paghinto ng intellectu­al property theft, at iba pang mga hakbangin para sa patas na kalakalan.

Tinalakay ng pahayag ng G20 ang maraming iba pang isyu—ang migrasyon, ang kaunlarang pinansiyal ng kababaihan, ang pagpopondo ng China sa mga proyektong imprastruk­tura sa maraming bansa, at ang climate change. Sa huling usapin, nagkasundo ang G20 na hindi sangayunan—19 sa mga miyembro ng G20 ang muling nanindigan ng suporta sa Paris Conference Agreement on Climate Change, habang muli ring binigyang-diin ng Amerika ang desisyon nitong bawiin ang suporta sa nasabing pandaigdig­ang kasunduan.

Pagsapit ng Marso 2019, dapat na nating makita ang isang mahalaga at pangmataga­lang kasunduan sa pagitan ng Amerika at China—kung hindi ay magpapatul­oy ang kanilang trade war na may nakapanlul­umong epekto sa ekonomiya ng maraming bansa.

Nagsalita si Chancellor of Germany Angela Merkel para sa ibang bansa ng G20 nang magpahayag siya ng pag-asa na masusumpun­gan ng dalawang bansa ang isang kasunduan hinggil sa kanilang mga pagkakaiba, lalo na ngayong ramdam na ng lahat ng bansa ang negatibong epekto ng US-China trade war. Kabilang na rito ang Pilipinas, na matagal nang masiglang nakikipagk­alakalan sa dalawang bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines