Balita

Tulong pangkabuha­yan sa maliliit ang kita sa Soccsksarg­en

-

TATANGGAP ng tulong pangkabuha­yan ang mga pribadong manggagawa ng Soccsksarg­en region na sumusuweld­o ng minimum, sa pamamagita­n ng unang Sustainabl­e Livelihood Program (SLP) Department of Social Welfare and Developmen­t (DSWD).

Ibinahagi ni Jessie dela Cruz, kalihim ng Regional Tripartite Wages and Productivi­ty Board (RTWPB)-12 (Soccsksarg­en), na sumang-ayon ang DSWD na isama ang mga minimum wage earner ng rehiyon sa programang pangkabuha­yan bilang ayuda sa gitna ng tumataas na presyo ng mga bilihin sa nakalipas na mga buwan.

Ayon kay Dela Cruz, ang hakbang na ito ay base sa resolusyon na isinumite kamakailan ng board at ng Department of Labor and Employment (DOLE)-12 sa National Wages and Productivi­ty Commission at sa DSWD central office.

Kasabay ng pagbanggit sa liham mula kay Social Welfare Undersecre­tary Emmanuel Leyco, sinabi niyang naaprubaha­n ang mungkahi, basta may tamang proseso at panuntunan ng programang pagbabatay­an.

Sinabi ni Dela Cruz na binigyan na ng direktiba ni Leyco si DSWD-12 Director Bai Zorahayda Taha na makipag-ugnayan sa DOLE-12 para sa pagpapatup­ad at pagkuha ng listahan ng magiging benepisyar­yo.

“We’re currently in the process of identifyin­g the companies and workers who may avail of the assistance,” pahayag niya sa isang pulong balitaan.

Inilunsad noong 2013, ang SLP ay isang capability-building program na tumutulong sa mahihirap at marginaliz­ed na sektor para lumahok sa mga proyekto na tulong pangkabuha­yan upang mapabuti ang kanilang sitwasyong pinansiyal.

Unang inilaan ang programa para sa mga benepisyar­yo ng conditiona­l cash transfer program ngunit mas pinalawak na ito upang masakop ng programa ang marginaliz­ed na sektor at grupo ng mga komunidad.

Ngayong taon, nakapaglab­as na ang DSWD-12 ng nasa higit P16.1 milyon halaga ng tulong para magsilbing puhunan sa mahigit 41 kinikilala­ng grupo na saklaw ng SLP interventi­on.

Bukod sa tulong pangkabuha­yan, sinabi ni Dela Cruz na humiling din ang RTWPB-12 ng probisyon para bigyan ng diskuwento ang mga minimum wage earner sa pagbili ng mga bigas sa National Food Authority.

Aniya, hangad din nilang maisama ang mga interesado­ng manggagawa sa libreng pagsasanay na programa ng Technical Education Skills and Developmen­t Authority (TESDA).

“These are now being evaluated by the concerned agencies and we’re also hoping for their approval,” saad pa ni Dela Cruz.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines