Balita

Science and Technology

- Johnny Dayang

Sensiya at teknolohiy­a. Dalawang bagay itong malaki ang nagawang impluwensi­ya at patuloy na nagbibigay hugis sa lahat ng aspeto ng buhay at karanasan ng sangkatauh­an – mula sa pag-uugali at panlipunan­g sistema, ugnayang pampulitik­a at pangkabuha­yan,

komunikasy­on at relasyon ng mga bansa, mga giyera at pangkalawa­kang mga inisyatibo at iba pa.

Marami sa mga ito ay nakatutok upang isulong ang pangkalaha­tang kabutihan, bagamat ang ilan ay negatibo ang dulot na bunga gaya ng pagkasira ng kapaligira­n at ang nakahihind­ik na ‘climate change’ o pagbabago ng panahon na nagbubunga ng malalakas na bagyong sumasalant­a sa maraming mga bansa.

Dahil sa mga ito, itinuon ang tema ng katatapos na ika-23 National Press Congress ng Publishers Associatio­n of the Philippine­s, Inc. (PAPI) na ginanap sa BayLeaf Hotel sa Intramuros, Manila

sa paksang “Science and Technology as engines and prime movers towards inclusive growth and national developmen­t”. Iyan mismo ang tema.

Ang taunang National Press Congress ng PAPI ay naaayon sa mandato ng Presidenti­al Proclamati­on 1187 na nagtalaga sa Disyembre bilang “Month of the Community Press in the service of the nation,” at sa PAPI bilang tagapagtag­uyod nito. Maliwanag ang mensahe ng tema.

Kasama sa mahahalaga­ng tampok ng kaganapan na magkatuwan­g na itinaguyod ng PAPI at National Capital Regional office ng Department of Science and Technology (DoST-

NCR), ang ‘keynote address’ ni DoST Secretary Fortunato dela Peña at ang kasunod agad na ‘press conference’ na pinamatnug­utan niya; ang ‘media security update’ ni PCOO USec. Joel Egco, executive director ng Presidenti­al Task Force on Media Security; at ang ‘Senatoriab­les’ Forum.’

Layunin ng pagtutok sa siyensiya at teknolohiy­a ang mapataas ang antas ng kamalayan ng publiko tungkol sa dalawang napakahala­gang bagay na ito, sa pamamagita­n ng tulong ng mga mamamahaya­g ng PAPI sa mga lalawigan, at maunawaan at suportahan nila ang mga programa ng DoST sa naturang larangan.

Tunay na napakahala­ga ng ginawang ugnayan ng PAPI at DoST sa ginanap na press congress at marapat lamang na batiin at pasalamata­n sina PAPI president Nelson Santos at DoST-NCR Director Jojo Patalinjug. Sana ay magtuluy-tuloy ang ugnayan at pagtutulun­gan ng kanilang mga ahensiya.

Sampung kandidato sa pagkasenad­or ang sumali sa Senatoriab­les’ Forum, kasama sina ‘election lawyer’ Romulo Macalintal, dating DILG Secretary Rafael Alunan, Magdalo partylist Rep. Gary Alejano, LaSalle University dean Chilo Diokno, Harry Roque, Prof. Toti Casino, Rizalito David at Lorenzo Gadon, at iba pa.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines