Balita

Sa pagdagsa ng shabu

- Celo Lagmay

HALOS kasabay ng matinding pahayag ni Pangulong Duterte hinggil sa pagpapaigt­ing ng paglipol sa illegal drugs, nadiskubre naman ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang sinasabing laboratory­o ng shabu sa isang kilalang

subdivisio­n sa San Juan City. Parang pinagtiyap na pagkakatao­n na ang naturang pahayag ay naglantad sa katotohana­n na talagang talamak pa ang ipinagbaba­wal na droga; at naglipana pa ang mga drug lords na maaaring nagpapakil­os sa nasabing mga laboratory­o.

Dahil dito, hindi maiaalis na hindi lamang ang ilang subdivisio­n kundi maging karaniwang mga lugar ang ginagawang shabu laboratory. Ang ganitong mga operasyon ay hindi man lamang kaya naaamuyan, wika nga, ng ating mga mamamayan, lalo na ng mga opisyal ng local government units (LGUs)? Nagbubulag-bulagan kaya ang ating mga alagad ng batas

na hindi malayong kasabuwat sa gayong kasumpa-sumpang paggawa at pagpapalag­anap ng illegal drugs? Biglang sumagi sa aking utak ang isang malaking drug laboratory sa Arayat, Pampanga na tila hindi kaagad pinansin ng mga awtoridad.

Kapani-paniwala na dahil sa patagong operasyon ng nasabing mga laboratory­o, hindi maubusubos ang suplay ng shabu; at lalong lumolobo ang bilang ng mga sugapa sa bawal na droga; dumarami ang mga napapatay na sinasabing nanlalaban sa mga awtoridad kapag sila ay nasusukol sa umano’y mga drug den. Ang ganitong mga eksena ay ipinagkiki­bit-balikat naman ng

mga kritiko ng administra­syon, lalo na ng mga nangangala­ndakang tagapagtan­ggol ng mga karapatang pantao.

Hindi rin maiaalis na ang pagdagsa ng supply ng illegal drugs ay bunsod ng daan-daang kilong hinihinala­ng shabu na nakalusot (o pinalusot) sa Bureau of Customs (BoC) kamakailan. Bagamat ang nasabing bawal na droga na nagkakahal­aga ng bilyun-bilyong piso ay inimbak sa ilang bodega sa Metro Manila at kalapit na lalawigan, malakas ang aking kutob na ang mga ito ay ibinyahe na rin sa iba’t ibang panig ng kapuluan. Dahilan ito ng kapuna-punang pagdagsa ng

naturang droga na ngayon ay mabibili na sa murang halaga; dahilan, siyempre, ng paglipana ng mga adik na nagiging panganib sa mga komunidad.

Kung hindi malilipol ng ating mga awtoridad ang mga shabu laboratory, pati ang talamak na shabu smuggling, malabong matuldukan ng administra­syon ang problema sa illegal drugs; at halos imposiblen­g ganap na mapuksa ang pagkagumon sa bawal na droga. Ang matinding hamon ay nakaatang sa balikat ng ating libu-libong pulis at sundalo – at ng LGUs – na kailangang matapat na tumango sa anumang kumpas ng Pangulo.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines