Balita

‘Di namin kayo sinisindik­ato, masaya ang ‘Fantastica’—Vice

- Ni ADOR V. SALUTA

SA grand presscon ng Fantastica sa Dolphy Theater last December 4, iginiit ni Vice Ganda

na ang tanging hangad niya ay makapagbig­ay-saya ngayong Pasko sa pamamagita­n ng kanyang pelikula.

“I wanna tell you right now, everyone will have a great time watching Fantastica. Isinusumpa ko, nakakatawa ang pelikula namin,” sabi ng It’s Showtime host sa mga dumalong press.

“Nakakatawa hindi lang ito raket, patatawani­n namin kayo. At hindi po ako natatakot na may lalabas ng sinehan na hindi natawa sa pelikula namin, tatawa po kayo. Mayroon at mayroong eksena sa pelikula na tatawa kayong lahat, hindi po namin kayo sinisindik­ato, masayang pelikula po ang panonoorin ninyo sa Pasko,” dagdag pa ni Vice.

Bigatin ang leading men ni Vice, sina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez—na nagsabing unforgetta­ble para sa kanya ang ilang eksena niya with Vice.

“Para lang kaming naglalaro,” sey ng Kapamilya actor.

Agaw-pansin naman ang isa sa mga eksena ni Dingdong sa trailer ng Fantastica nang i-ang spoof niya at ni Vice ang sofa scene nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa The Hows Of Us.

Ayon kay Dingdong, originally ay 12 lines lang iyon. Pero nang gawin nila ay umabot na sa 40 lines.

“Masaya! Masayang-masaya ‘yun,” sambit pa ng Kapuso Primetime King.

Ang isang magandang dala ng pelikulang ay lalong napagtibay ang friendship nina Dingdong at Richard. Noong nasa GMA-7 pa raw si Richard, naalala niyang nakasama niya si Dingdong sa Mulawin.

“Isang eksena lang kami nagkasama, ‘yun lang,” sabi ni Richard, na sinangayun­an ni Dingdong. Maraming pumuri sa ideya ni Vice

Ganda na pagsamahin sa kanyang pelikula ang dalawang aktor bilang kanyang leading men. Kaya kahit may mga nagkukuwes­tiyon sa billing, walang nagrerekla­mo para wala nang nega.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines