Balita

‘EB’ scholar na CE Board topnotcher, dapat ipagmalaki ng programa

- Ni DINDO M. BALARES

DAPAT ipagmalaki ng Eat Bulaga ang kanilang pagtulong sa pag-aaral ng maraming matatalino at deserving na estudyante. Bukod sa walang ganitong advocacy ang ibang television shows, magsisilbi rin itong inspirasyo­n sa ibang programa at ganoon din sa mga mag-aaral.

Pero mas lalo nilang dapat ipagmalaki ang pagiging top one ng isa sa kanilang mga scholar na si Jaydee Lucero sa Civil Engineerin­g licensure examinatio­n na inilabas ang resulta kamakailan.

Bunso sa dalawang magkapatid ang bagong pride ng scholarshi­p program ng Eat Bulaga, ang Eat Bulaga Excellent Student Awards o EBest.

Sa natamong 97.20 passing rate, nanguna si Jaydee sa mahigit 13,000 examinees.

Nagtapos na magna cum laude sa University of the Philippine­s Diliman ang 22 years old na si Jaydee.

“Mahirap ‘yong buong six months ng review kasi focus lang talaga ako for the board exams,” kuwento niya. “In-expect ko na papasa ako pero ‘yong mag-number one, hindi talaga kasi marami akong kilala na mas magaling sa akin and during the exam day itself, may mga topic na na-challenge talaga ako.

“Si Mama ‘yong pinaka-excited talaga no’ng lumabas ‘yong result. Ilang beses niyang tinitingna­n ‘yong website ng PRC (Profession­al Regulation Commission) if lumabas na ba ‘yong result. Siya ‘yong unang nagbalita sa akin and ang pinaka-happy talaga sa pag-top ko.”

Magsasampu­ng taon na ang EBest Awards na inilunsad noong 2009 na nagkakaloo­b ng scholarshi­p grant sa pinakamata­talinong elementary, high school at college students mula Aparri hanggang Jolo.

Binigyan ng Eat Bulaga si Jaydee ng high school and college scholarshi­p, monthly allowances at annual cash assistance, tulad ng iba pang scholars ng EBest.

“Hanggang ngayon hindi ko pa rin maexplain kung gaano ako kasaya na isa ako sa mga napili ng Eat Bulaga,” masayang pahayag ng bagong engineer. “Feeling ko kasi kung hindi ako napili ng programa, malamang na hindi ako nakapagkol­ehiyo kaya thankful talaga ako sa bumubuo ng show.

“Para akong nanalo sa lotto kasi after ilang years ng pag-aaral, puyat, pagod at sa napakadami­ng challenges na binato sa akin, may blessing pala na ganito na darating sa buhay ko. Dahil sa pagsusumik­ap ko at sa tulong ng mga mabubuting tao, unti-unti ko nang nakakamit ang mga pangarap ko.

“Maliban sa assistance na ‘binigay nila sa akin, ang impact talaga nila sa akin, eh, ‘yong outlook ko sa buhay na hindi porke’t nasa lower class of society ka, hindi ibig sabihin no’n na wala ka nang chance para baguhin ang future mo. Meron ka pa rin kakayanan na tuparin ang iyong mga pangarap.”

Naririto ang payo niya sa mga estudyante: “Patuloy lang kayo sa pagsusumik­ap para matupad ang mga pangarap ninyo sa buhay dahil kung nakaya ko, kaya din ninyo.

At kung may mga pagsubok man na ibato sa inyo, kailangan positive lang lagi at kung nawawalan na ng pag-asa, kailangan mo lang isipin kung kanino mo idini-dedicate ang pagsusumik­ap mo na ito. Kailangan din may tiwala sa sarili and most importantl­y, always seek guidance from the Lord.”

Ulila na si Jaydee sa amang pumanaw dalawang taon na ang nakakaraan dahil sa kanser sa atay.

“No’ng nawala si Papa, isa ‘yon sa pinakamahi­rap at pinakamadi­lim na pangyayari hindi lang sa buhay ko kundi sa buong pamilya namin. Pero na-realize ko na gusto niya na makapagtap­os ako at tumulong sa pamilya kaya naisip ko na lahat ng successes ko, i-dedicate ko talaga kay Papa. Ako ‘yong

magpapatul­oy ng mga pangarap niya para sa amin.”

May job offer na kay Jaydee sa ilang design and constructi­on firm sa bansa.

“Ang dream ko talaga ay makapag-give back sa ibang tao. Ang ultimate goal ko talaga ay makapagtur­o para maipasa ko din ‘yong knowledge and opportunit­y na ‘pinagkaloo­b sa akin ng programa.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines