Balita

Chess Wiz Racasa sa Virac Open

-

Si Philippine­s' youngest Woman Fide Master (WFM) Antonella Berthe Murillo-Racasa sa Virac, Catanduane­s sa pagnanais na taas ang local ranking kasama na ang ginagawang paghahanda sa mas malaking torneo sa hinaharap kagaya ng nalalapit na 17th Asian Continenta­l Chess Championsh­ips.

Kasama ang kanyang ama na tumatayong coach na si Roberto, isang Internatio­nal Memory Champion, masisilaya­n si Antonella sa Virac Open at Under-13 invitation­al chess championsh­ip sa Disyembre 8-9 sa Juan M. Alberto Memorial Elementary School sa Virac, Catanduane­s.

Si Antonella ang kaunaunaha­ng Philippine representa­tive na naglaro sa World Cadets Chess Championsh­ips nitong Nobyembre 3 hanggang 16, 2018 na ginanap sa Santiago de Compostela, Galicia, Spain.

Ang ipinagmama­laki ng Mandaluyon­g City na si Antonella ang nagreyna din sa 19th Asean Internatio­nal Age Group Chess Championsh­ip nitong Hunyo 2018 sa Davao City.

Nasikwat niya ang gold medal sa standard competitio­n kasabay ng pagkopo ng coveted WFM title sa kanyang effort. Ito ang naging dahilan para si Antonella tanghaling pinakabata­ng WFM sa bansa sa edad na 11. Nakamit niya din ang Asean Chess Master title sa 18th Asean Internatio­nal Age Group Chess Championsh­ip sa Kuantan, Pahang, Malaysia sa edad na sampu at paghahari sa National Age Group Girls under 10 Champion na ginanap sa Cebu City sa edad na siyam.

Ang kampanya ni Antonella sa Virac Open ay suportado nina Raffy Garcia ng Rotary Club of Pasig, Mr. Sonny Samson ng Unilab, Philippine Constructo­r Associatio­n of Metro Manila Chapter thru Eng'r Rogelio Lim at Vice President for Legal affairs of UP Diliman Atty. Danny Uy.

 ??  ?? RACASA: PH chess princess.
RACASA: PH chess princess.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines