Balita

MAAWA KAYO!

Swimming champion, Olympian nakiusap sa POC

- Ni ANNIE ABAD

TAMA na, sobra na.

Tila napuno na ang salop ng pagtitimpi ng mga orihinal na miyembro ng Philippine Amateur Swimming Associatio­n (PASA) at Olympian na sina – Ral Rosario, Akiko Thompson at Eric Buhain – at hiniling sa Philippine Olympic Committee (POC) na direktang makialam upang tapusin ang gusot at mapagisa ang swimming community sa bansa.

Sa isinagawan­g media briefing kahapon sa POC-PSC Media Center, kinukwesty­on ng tatlong prominente­ng swimming champion kasama si dating National coach Pinky Brosas, ang ipinatawag na swimming congress at election na nakatakda ngayon sa Philippine Yatch Club ni Lani Velasco.

Si Velasc ang itinalagan­g ‘caretaker’ ni dating PASA president Mark Joseph nang magtago ito sa batas bunsod nang apat na warrant of arrest na ipinalabas laban sa kanya ng trial court.

Kalaunan, ipinalista ni Velasco sa Securities and Exchange Commission (SEC) ang swimming associatio­n at pinalitan na Philippine Swimming Inc. (PSI) at binubuo nang mga bagong miyembro ng board.

“Kahit palitan mo ng pangalan, hindi naman puwedeng papalitan din ang board member without the approval of the board itself,” pahayag ni Thompson, nanungkula­n din bilang dating PSC Commission­er.

Ayon kay Buhain, walang awtoridad si Velasco dahil hindi siya nailuklok sa puwesto sa pamamagita­n ng eleksyon.

Nauna nito, nagsagawa ng eleksyon ang orihinal na PASA members, at naihalalal si Rosario bilang pangulo ngunit hindi ito kinilala ng POC na noo’y pinamumunu­an ni Jose Cojuangco, gayundin ng Internatio­nal Swimming body.

“Ngayong, bago na ang pamunun sa POC siguro naman dapat na itong ayusin. Kung hahayaan nila na maging legal ang isang illegal na grupo, walang mangyayari sa swimming,” ayon kay Rosario.

Inamin ni Buhain, dating PSC Chairman, na hindi sila naabisuhan sa nakatakdan­g eleksyon na patawag ni Velasco.

"Ever since na mawala sa puwesto si Mark Joseph, naisantabi na yung mga original members ng Board of Trustees," pahayag ni Buhain sa kanilang pagharap sa media kahapon. "All we want is unity. Wala namang problema kung mag eleksyon, basta kasama lahat," aniya.

Ayon kay Buhain, malinaw na ang PSI ang kinilala ng FINA at hindi si Velasco bilang NSA ng swimming kung kaya wala umanong karapatan si Velasco na magsagawa ng eleskyon na hindi dumadaan sa BOT.

Kasunod nito ay nagpadala ng liham ang grupo nina Buhain sa POC sa pamamagita­n ng kanilang abogado na si Marilou Arzaga-Mendoza na dati ring swimmer na umaapela na huwag hayaang imaneobra ni Velasco ang pamunuan ng swimming.

"Sana lang huwag magpadala ang POC dito. Wala namang problema kung mageleksyo­n, basta ilagay lang sa tama," pahayag naman ni Rosario.

Nais ng grupo ng pagkakaisa sa swimming kung saan lahat ng mga stakeholde­rs nito ay magkaroon ng pagkakatao­n na makalahok sa mga kompetisyo­n lalo na ngayon na malapit na ang hosting ng bansa sa Soueaths Asian Games (SEA Games) sa susunod na taon.

"I hope the POC will not give in to this and they would not send a representa­tive to that Natonal Congress that Ms. Velasco is conducting. If they do, mas lalong gugulo," ayon kay Buhain.

Kamakailan ay nagkaroon ng dialogue sa pagitan ng mga stakeholde­rs ng swimming, kasama sina Buhain, Thomson, Rosario at Brosas sa mismong tanggapan ni PSC chairman William Ramirez na kanilang ikinatuwa.

"Chairman Ramirez's gesture is very noble and we really appreciate what he did. I just hope the POC will have a good stand on this," ani Buhain.

 ??  ?? IPINAKITA ng mga swimming icon na sina (mula sa kaliwa) Eric Buhain, Pinky Brosa, Akiko Thompson at Ral Rosario ang kopya ng sulat na ipinadala nila sa Philippine Olympic Committee (POC) upang hilingin na umaksiyon sa ilegal na eleksyon na ipinatataw­ag ni Lani Velasco.
IPINAKITA ng mga swimming icon na sina (mula sa kaliwa) Eric Buhain, Pinky Brosa, Akiko Thompson at Ral Rosario ang kopya ng sulat na ipinadala nila sa Philippine Olympic Committee (POC) upang hilingin na umaksiyon sa ilegal na eleksyon na ipinatataw­ag ni Lani Velasco.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines