Balita

Luis, todotanggo­l kay Jessy vs bashers

- Ni NITZ MIRALLES

HINDI sumasagot si Jessy

Mendiola sa mga nambabash sa kanya kasunod ng mga isinawalat niya sa presscon ng The

Girl in the Orange Dress, kung saan nabanggit niya kabilang sina JM

de Guzman at Enrique Gil sa mga nagpalala sa depression ng aktres.

Dahil hindi nga sumasagot si Jessy, ang boyfriend nitang si

Luis Manzano ang humaharap at nakikipags­agutan sa bashers ng aktres.

May nag-comment na sana masaya si Jessy sa pag-ungkat nito sa nakaraan, at pinayuhan pa ang aktres na mag-move on dahil kawawa ang mga taong wala naman daw kasalanan. Dinamay pa raw ni Jessy sina JM at Enrique sa depression niya, na kasalanan naman daw ng aktres.

Tinawag din ng bashers si Jessy ng “ahas”, “starlet”, at “Flop Queen”.

Sumagot si Luis: “Wag nagmamarun­ong kung walang alam sa lahat ng pangyayari, panindigan mo naman mga sinabi mo, DM mo ako details mo:) promise bibigyan kita ng chance sabihin lahat ‘yan harapharap­an.”

Sinundan ito ni Luis ng post: “Waiting sa DM ha, promise ‘di ko ilalabas details mo, pero ako mismo pupunta.”

Sinundan pa niya ito: “Sent you a DM, details please”; at “May lakad pa ako now, details please, saan ka puwedeng puntahan.”

Hindi na sumagot ang basher ni Jessy, at tumigil na rin si Luis. Pero makakaasa ang aktres na hindi siya pababayaan ni Luis, dahil kung ayaw niyang pumatol sa basher, asahan niyang ang boyfriend niya ang haharap sa mga ito.

Hindi nga ba’t para suportahan ang The Girl in the Orange Dress ay nag-volunteer si Luis na magcameo bilang waiter sa wedding scene ng mga guest din na si Derek Ramsay at GF nitong si Joanne

Villablanc­a. Gaya ng ibang nagcameo sa movie, walang talent fee si Luis, and for the love of Atty. Joji Alonso (producer) and Direk Jay Abello, at sa kaso ni Luis, for the love of Jessy ang kanyang ginawa.

Pero may cameo role rin pala sa movie ang ex-girlfriend ni Luis na si Jennylyn Mercado.

 ??  ??
 ??  ?? Luis at Jessy
Luis at Jessy

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines