Balita

Vice, blocked sa Tinder

- Ador V. Saluta

NATATAWANG ikinuwento ni Vice Ganda sa It’s Showtime nitong Miyerkules, December 5, ang karanasan niya sa paggamit ng dating app na Tinder.

Sinabi ng TV host na minsan na siyang sumali sa Tinder, nang mai-share ng isang “Tawag ng Tanghalan” contestant na sa nasabing dating app niya nakilala ang kanyang boyfriend.

Kaya nga lang, ‘di tulad ng contestant, hindi pinalad si Vice makahanap ng kanyang love life at na-block pa siya sa Tinder.

“Bad trip, nakablock ako sa Tinder, eh! Kasi ‘yung mga Pinoy, akala siguro nila poser. Ni-report ako nang ni-report, naka-block tuloy ako! Hindi tuloy ako makaswipe right, bad trip!” kuwento ni Vice sa madlang pipol. “Ang ganda-ganda pa man din ng picture ko doon, ‘yung naka-swimsuit ako sa Bohol. Ang dami kayang tsumitsika sa akin doon na foreigner,” kuwento pa niya.

Sinuggest naman ng co-host na si Anne Curtis na gumawa si Vice ng bagong account, kaya may mensahe si Vice sa mga nakaregist­er sa dating app, lalo na sa mga Pinoy.

“Huwag n’yo nga ako i-block! Ang dami rin kasing Vice. Ilalagay ko, ‘Vice Ganda – Ako Po ‘To,’” biro pa niya.

Pero mukhang hindi na kailangan ni Vice ang Tinder sa ngayon dahil mainit na pinaguusap­an ang kanyang rumored relationsh­ip sa basketboli­stang si Calvin Abueva. Bagamat itinanggi ng dalawa na may romantic link sila sa isa’t isa at sila’y malapit na magkaibiga­n lang, tinawag ni Vice si Calvin na “my sunshine”.

Sa ngayon, busy din si Vice sa promotion ng kanyang upcoming Metro Manila Film Festival entry na Fantastica, na showing na sa December 25.

 ??  ??
 ??  ?? Vice
Vice

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines