Balita

Wedding naman after ng ‘Miss Saigon’ tour ni Aicelle

- Remy Umerez

ISA sa longest-running musical sa London ang

Miss Saigon, na nagbigay-daan sa internatio­nal stardom ni Lea Salonga. Ginampanan niya ang role ng Kim sa sikat na musical.

Isa pang importante­ng role sa Miss Saigon, ang Gigi, ang orihinal namang ginampanan ng isa pang Pinay, si Isay

Alvarez, noong mid-80s. At ngayon na on tour ang Miss Saigon, isa pang Pinay—si Aicelle Santos— ang muling gumaganap bilang Gigi.

Laking pasasalama­t nga ni Aicelle at nagkaroon siya ng short break, kaya naman one week siyang namalagi sa Pilipinas. Kailangan niyang ipahinga ang kanyang boses dahil mahihirap o killer song ang itinatampo­k sa Miss Saigon. After London, itatanghal naman ang Miss

Saigon sa Singapore at Switzerlan­d.

Pero ginamit ni Aicelle ang maikling bakasyon niya upang sorpresahi­n ang kanyang husband-to-be, ang dating broadcaste­r na si Mark Sembrano. Marami ang kinilig sa Instagram post ni Aicelle sa video ng sorpresang pagdating niya sa bahay ni Mark pagkagalin­g niya sa airport. Parang ganti iyon ni Aicelle, dahil minsan na rin siyang sinorpresa ng nobyo nang biglaan siya nitong puntahan sa London. Tatapusin lang ni Aicelle ang kanyang commitment­s, at saka sila magpapakas­al ni Mark next year.

Dati nang naitanghal sa Pilipinas ang Miss Saigon, at sadyang kamanghama­ngha ang set na pinagkagas­tusan nang malaki. It is worth mentioning na bukod kina Lea at Aicelle, another coveted role sa musical ang karakter ng The Engineer, na ilang taong ginampanan ng isa pang Pinoy, si Leo Valdez.

 ??  ?? Aicelle
Aicelle

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines