Balita

Kaunting workout, may impluwensi­ya sa metabolism

- PNA

NAPAG-ALAMAN ng mga Chinese at American scientist na ang isa o kaunting workout ay kayang paganahin ang mga neurons ng mga daga na nakaiimplu­wensiya sa metabolism­o at tatagal ito ng hanggang dalawang araw—mas tatagal naman ang mga epekto nito kung gagawing matagalan ang training.

Nakasaad sa pag-aaral, na inilathala nitong Martes sa journal na Molecular Metabolism, ang bagong ideya sa potential role ng utak sa fitness at maaaring nakakita rin sila ng bagong dahilan para bumuo ng mga therapy na magpapahus­ay sa metabolism­o.

“It doesn’t take much exercise to alter the activity of these neurons,” pahayag ni Kevin

Williams, neuroscien­tist sa University of Texas Southweste­rn, at co-author ng pagaaral.

“Based on our results, we would predict that getting out and exercising even once in a semi-intense manner can reap benefits that can last for days, in particular with respect to glucose metabolism,” sabi pa ni Kevin.

Sinukat ng mga mananaliks­ik, pati ng unang awtor ng pag-aaral na si He Zhenyan, na mula sa Zhujiang Hospital sa Guangzhou, ang mga epekto ng short- at long-term exercise sa dalawang uri ng neurons na bumubuo sa melanocort­in brain circuit. Mayroong ganitong circuit ang tao at daga.

Ang isang neuron type ay may kaugnayan sa pagpapabab­a ng appetite, lower blood glucose levels, at mas mataas na energy burning na gumagana habang ang iba pang uri ay nakapagpap­ataas naman ng gana sa pagkain at nagpapabag­al naman sa metabolism kapag activated, ayon pa rin sa pag-aaral.

“This result may explain at the neural circuit level why many people don’t feel hungry immediatel­y after exercise,” sabi ni Kevin.

Sa nakaraan, ang melanocort­in circuit ay alam na pinapalita­n sa pamamagita­n ng pagkain o fasting, ngunit hindi pa ito iniuugnay sa pag-e-ehersisyo.

Nakapagbig­ay din ang mga nadiskubre para makaisip ng mga bagong clue sa potential treatments para mapaghusay ang glucose metabolism sa mga pasyenteng may diabetes.

“It is possible that activating melanocort­in neurons may hold therapeuti­c benefits for patients one day, especially for diabetics who need improved blood-glucose regulation,” sabi pa ni Kevin.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines