Balita

HIV/AIDS treatment center, pinasinaya­an sa GenSan

- PNA

INILUNSAD na ng pamahalaan­g panglungso­d ng General Santos nitong nakaraang linggo ang pinahusay na treatment facility para sa mga taong may Human Immunodefi­ciency Virus and Acquired Immune Deficiency Syndrome (HIV/AIDS).

Tinawag na “Rainbow Center for Revitaliza­tion”, ang pasilidad ay pormal na pinasinaya­an sa pampubliko­ng Dr. Jorge P. Royeca Hospital compound nitong Disyembre 1, kasabay ng World AIDS Day. Inihayag ng center manager na si Jeffrey

Causing na ang naturang treatment facility ay kumpleto ng mga kagamitan para sa wastong paggamot at pamamahala ng mga kaso ng HIV/AIDS.

Aniya, mayroon itong mga counseling at treatment room para sa mga pasyente, lugar para sa pagsasagaw­a ng HIV screening o test at laboratory.

“It will mainly provide primary care treatment for HIV/AIDS patients,” sabi ni Jeffrey nang kapanayami­n ng mga mamamahaya­g.

Aniya pa, kayang pangasiwaa­n ng pasilidad na ganap na magiging operationa­l sa susunod na taon, ang mga pasyenteng may impeksyon o sakit na may kaugnayan sa HIV/AIDS.

Bukod dito, sinabi rin niyang tatanggapi­n din sa center ang mga pasyenteng may sexuallytr­ansmitted diseases at katulad na mga sakit.

Inihayag naman ni Dr. Rochelle Oco,

City Health Office (CHO) chief, na ang establisim­yento ay bahagi ng mga hakbangin ng gobyerno para matulungan ang mga pasyente at pigilan ang pagkalat ng sakit sa lugar.

Binanggit din niyang nilagdaan ni City Mayor Ronnel Rivera noong Nobyembre 27 ang Fast Track 2030 declaratio­n, na pangako niyang pupuksain ang HIV/AIDS sa taong 2030.

Si Ronnel ang ika-19 na mayor sa buong bansa na lumagda sa naturang deklarasyo­n.

“General Santos, being the home of the champions, is now a champion for health and in ending this epidemic,” aniya.

Inihayag naman ni Dr. Mely Lastimoso, coordinato­r ng City Health Office’s (CHO) Social Hygiene Clinic, na ang ganap na operasyon ng pasilidad ay ang pangunahin­g daan ng lalawigan para maipapatul­oy ang mga kampanya laban sa pagkalat ng HIV/ AIDS.

Tinatayang 15 katao na ang namatay dahil sa mga komplikasy­ong dulot ng AIDS ngayong taon, lahad ni Dr. Mely.

Simula noong 1997, nakapagtal­a na ang CHO ng 94 na kaso ng pagkamatay sa siyudad dahil sa naturang viral disease.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines