Balita

5-day ceasefire, idineklara ng NPA

- Francis T. Wakefield at Antonio L. Colina IV

Walang plano ang Armed Forces of the Philippine­s (AFP) na irekomenda kay Pangulong Duterte na suspendihi­n ang operasyon ng militar laban sa mga komunista, sa kabila ng deklarasyo­n kahapon ng Communist Party of the Philippine­s-New People’s Army (CPPNPA) na magpapatup­ad ito ng limang araw na unilateral ceasefire bilang bahagi ng pagdiriwan­g ng holiday season at ng ika-50 anibersary­o ng kilusan.

Sa isang panayam, iginiit ni AFP Spokesman Brig. Gen. Edgard Arevalo na hindi sila magrerekom­enda ng SOMO o suspension of military operations sa CPPNPA, dahil sa kawalan ng sinseridad ng grupo at batay sa dati na nitong record ng paglabag sa ceasefire.

Ayon kay Arevalo, noon ay pumapayag ang AFP sa tigil-putukan dahil sa kagustuhan nilang magkaroon ng pangmataga­lang kapayapaan sa bansa.

Sinabi pa ni Arevalo na ginagamit lang ng CPP-NPA ang holiday ceasefire para isulong ang nais ng mga ito na “recruit, refurbish and regroup” upang mapalakas ang kilusan pagkatapos ng ceasefire.

“Gusto nilang makakuha ng maneuver space sa kanilang gustong gawing pagseceleb­rate ng 50th anniversar­y which in the eyes of the Armed Forces ay wala naman silang reason to celebrate because at this time their numbers continue to dwindle,” ani Arevalo.

“We will not recommend, we will not reciprocat­e. As a matter of fact kaya naman ‘yan unilateral, mag-declare sila, magdeclare kami ng sa amin, nasa kanila ‘yun. To me, to us, it’s a gambit na gusto nilang gawin para sa gunun sumagot tayo but we already learned our lessons of the past,” paliwanag pa ni Arevalo.

Sa isang post ng Philippine Revolution Web Central (PRWC) nitong Biyernes, ipinagutos nito sa CPP, NPA, at people’s militia ang pansamatal­ang paghinto ng opensiba at operasyon laban sa AFP at pulisya simula 12:01 ng umaga ng Disyembre 24 hanggang 11:59 ng Disyembre 26, 2018, at 12:01 ng Disyembre 31 hanggang 11:59 ng Enero 1, 2019.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines