Balita

Drug-free PH, regalo ni Digong

- Genalyn D. Kabiling

Isang drug-free na bansa ang magiging “gift” umano ni Pangulong Duterte sa mga Pilipino sa pagtatapos ng kanyang termino sa 2022.

Hindi natinag sa mga batikos ng human rights sa kanyang war on drugs, sinabi ng Pangulo na determinad­o siyang patayin ang sisira sa bansa gamit ang ilegal na droga.

“You know the presidency is a gift from God. Sigurado ‘yan. Ako, my gift to the Filipino people, I will—linisin ko ito talaga before I go out. And I’ll give you a drug-free community. That will be my gift to you,” pahayag ni Duterte.

“I am asking all of you who make life miserable for the people in the city, go out because if you destroy my city, I will kill you,” aniya.

Handa rin umano si Duterte na mapunta sa kulungan para sa kanyang paglaban sa ilegal na droga, ngunit pinabulaan­an nito ang 70,000 death toll na sinasabi ng ilang human rights group. Iginiit niya na aakuin niya ang resonsibil­idad para lamang sa 1,400 suspek na namatay sa antidrug operation ng pamahalaan.

“Ang pinatay namin, ang sabi ng pulis 1,400. Oo ‘yan, amin ‘yan. Akin ‘yan, ako ang nag-utos. Ako ang magpakulon­g. I said that is my gift to you,” saad ni Duterte. “I will go to prison. So? Ubusin ko talaga itong mga ito.”

Patuloy ang paninindig­an ng Pangulo sa kanyang kampanya laban sa ilegal na droga sa kabila ng posibleng paglilitis ng Internatio­nal Criminal Court (ICC) hinggil sa umano’y mga pang-aabuso.

Kamakailan lamang, sinabi ng ICC na ipagpapatu­loy nito ang preliminar­y examinatio­n sa “communicat­ions” na isinumite sa korte para sa umano’y krimen na idinulot ng drug war sa bansa. Layunin ng imbestigas­yon na matukoy kung may hurisdiksy­onbaowalaa­ngICCatkun­gmay nagganapna­paglabagsa­karapatang­pantao.

Ang aksiyon ng ICC ay tugon sa inihain ng abogadong si Jude Sabio, Senator Antonio Trillanes IV at Magdalo Rep. Gary Alejano na nagsasabin­g may pananaguta­n si Duterte sa mga extrajudic­ial killings.

Gayunman, binalewala ng Malacañang ang ICC preliminar­y examinatio­n sa drug war, na sinabing isa itong ‘exercise of futility.’

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines