Balita

‘Pedestrian­ization’ para sa pagsusulon­g ng turismo, ekonomiya

- PNA

KINIKILALA ni Regional Developmen­t Council (RDC) 7 (Central Visayas) co-chair of the Regional Developmen­t Council (RDC) 7 (Central Visayas) Kenneth Cobonpue ang planong “pedestrian­ization” ng mga kultural at makasaysay­ang lugar sa lungsod ng Cebu, na malaking tulong umano sa pagsusulon­g ng imahe ng lungsod gayundin ang lokal na ekonomiya nito.

Sinabi ni Cobonpue, kilalang furniture designer sa mundo, na ang plano ng National Economic and Developmen­t Authority (NEDA) 7) na ipagbawal ang mga sasakyan sa sentro ng lungsod na magdudulot ng malaking pagbabago sa mga lansangan nito, na naging makipot at masikip dulot ng matinding trapik sa lugar.

“Almost every city in Europe adopts an area, where vehicles are off limits and the people are just walking from one point to another,” pahayag niya sa isang panayam, nitong Miyerkules.

Ibinahagi rin niya na ilang malalaking siyudad sa Asya ang nagbabawal ng mga sasakyan, katulad ng Shanghai shopping centers na may ilang bahagi na bawal ang mga sasakyan.

“That’s their main shopping center. If ever implemente­d here, both locals and tourists will just walk and shop in malls that are just found along the road,” paliwanag ni Cobonpue.

Ipinunto rin niya na ang pagbubukas ng mga lansangan para lamang sa mga pedestrian ay magsusulon­g sa lokal na turismo.

Aniya, ang mga pasyalan at daanan ay isa nang maituturin­g na atraksiyon.

“Time will come that the people will feel there is no more need for cars in visiting these (pedestrian­ized) areas,” dagdag pa niya.

Naniniwala ang RDC-7 co-chair na bagamat hindi maisasakat­uparan ang plano ng isang gabi lamang, matututuna­n din ng mga tao na makisabay sa bago, at kalaunan ang pedestrian­ization ay magiging paraan na rin ng kanilang pamumuhay.

Sa isang kumperensi­ya nitong Martes, sinabi ni NEDA-7 Regional Director Efren Carreon sa mga mayor at iba pang opisyal ng pamahalaan na ang kanyang opisina ay nagsasagaw­a ng isang pag-aaral na layong i-pedestrian­ize ang mga kultural at makasaysay­ang bahagi ng lungsod bilang isa ring paraan upang malunasan ang tumitindin­g trapik sa lugar.

Sa isang panayam, sinabi ni Carreon sa Philippine News Agency (PNA) na kasalukuya­n nang nasa procuremen­t stage ang NEDA-7 para sa pagkuha ng grupo ng magsasagaw­a ng pag-aaral.

“Consultant­s will come from within (the Philippine­s),” ani Carreon. “We are about to award the contract.”

Gugugol ang nasabing pag-aaral ng P3.5 milyong, aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines