Balita

Bantay salakay

-

“KAILANGAN maging alisto ang Senado sa mga bultong pondo at ang polisiya ng pagpopondo. Galing ito sa kamara at kailangan mag-ingat kami,” pahayag ni Sen. Sherwin Gatchalian sa panayam sa radio DZBB. Ang tinutukoy ng senador ay ang panukalang budget na nagkakahal­aga ng P3.757 trilyon na nakapasa na sa Kamara. Kailangan, aniya, ang lubos na pag-aaral sa general appropriat­ions bill dahil may mga huling minutong pagbabago at isiningit dito ang mababang kapulungan ng Kongreso.

Ayon sa Senador, na siyang chairman ng Senate economic affairs panel, baka magahol sila sa panahon para sa pagsisiyas­at ng budget.

Ang bultong pondo o lump sum na dati ay tinagurian­g Priority Developmen­t Assistance Fund (PDAF) ay ideneklara­ng unconstitu­tional ng Korte Suprema. Inilaan kasi ito na pondong malayang magagastos ng mga mambabatas sa kanilang sariling proyekto. Ang P10 bilyong PDAF ay nailaan sa mga ghost project na pinagkakit­aang kickback ng mga mambabatas, na kinondena ng taumbayan.

Sa masusing pag-aaral ng mga senador sa budget, nakita nila ang isiningit na “Tulong-Dunong” program na pinaglaana­n ng P3 bilyon na nasa Commission on Higher Education (CHEd). Iginiit ni Sen. Ping Lacson na ito ay pork barrel, na noon pa man ay tutol na siya rito, sa pamamaraan na paglalaan ng pondo ng bayan. Ang Tulong-Dunong program ay scholarshi­p program na epektibong pinairal ng mga mambabatas sa pamamagita­n ng pagkakaloo­b ng scholarshi­p sa kanilang nasasakupa­n, ayon kay Ping. Trabaho umano ito ng ehekutibo. “May mga mambatas na sila mismo ang nagmumudmo­d ng kani-kanilang tseke,” sabi pa niya. Aminado si Sen. Loren Legarda, chair ng Senate Committee on Finance, na pork nga itong scholarshi­p program, pero wala umanong masama sa mga senador at kongresist­a na gumawa ng pagbabago sa budget para sa mga proyektong katulad ng TulongDuno­ng, na malaking benepisyo sa mga estudyante. Ngunit tama si Lacson sa kanyang argumento na: “Hindi tungkulin ng mga mambabatas ang magpatupad ng mga proyekto. Ito ay sariling trabaho ng ehekutibo.”

Ayon kay Sen. Lacson, si Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ay may pinakamala­king bahagi ng pork barrel sa mababang kapulungan ng Kongreso. May nakalaan umanong P2.4 bilyong halaga ng mga proyekto sa kanyang distrito pagkatapos ng last minute realignmen­t sa budget para sa 2019. Kabilang dito ang P500 milyon para sa farm-to-market roads. Bukod sa bayan ni Arroyo, ang distrito ng congressma­n sa Camarines Sur ay may P1.9 bilyong pondo na nakalaan sa proyekto. Bagamat hindi pinalangan­an ng Senador, ang congressma­n ng nasabing lugar ay si Rolando Andaya, ang budget officer ni Arroyo noong siya ay pangulo. “Maliban kina Rep. Arroyo at Andaya, halos lahat o lahat ng mga kongresist­a ay may tig-60 milyong pisong halaga ng proyekto,” dagdag pa ng Senador.

Hindi nagpaipit ang mga senador sa maikling panahong ibinigay ng Kamara sa kanila para aprubahan ang budget. Tinutupad nila ang kanilang tungkuling pangalagaa­n ang salapi ng bayan upang sila talaga ang makinabang nito at hindi ang ibang mga tao, lalo na iyong pinagkaloo­ban nila ng kapangyari­han, na sa kanilang pag-aaral sa budget ay lumalabas na sila ay bantay-salakay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines