Balita

‘The Signs’ sa Cine Lokal

- Reggee Bonoan

SHOWING na simula kahapon ang pelikula ni John Stephen Baltazar na The Signs, sa Cine Lokal theaters sa SM malls.

Ang pelikula ay kuwento ni Tony Hughes, isang sikat na meteorolog­ist na namatay habang nananaliks­ik tungkol sa mga bagyo. Matutuklas­an ni Tony ang manuscript na nagsasaad ng mga prediksiyo­n ng series of signs na hahantong sa isang malaking sakuna—ang mother of all typhoons.

Habang nasasaksih­an ang mga senyales ng super typhoon, magiging responsabl­e si Tony sa kaligtasan ng kanilang bayan at madidiskub­re niya ang isa pang banta na mas malala pa kaysa sa mga naunang signs.

“I’ve always wanted to make a natural disaster film. Given the fact that we live in a country where floods, storms and earthquake­s are part of our normal lives in the Philippine­s, it is time to inform and educate young people using the power of entertainm­ent,” kuwento ni John Stephen Baltazar, na producer, sumulat at direktor ng pelikula.

Ang disaster film ay pinagbibid­ahan ng promising actors at actresses na sina Michael Kumar, Anna Reyes, Andrew Torres, at Enzo Ferrari Arciaga.

Ayon kay Direk John Stephen, hindi rin niya alam kung bakit gustung-gusto niyang nasa labas ng bahay kapag masama ang panahon lalo na kapag bagyo at talagang bitbit niya ang camera niya para kunan lahat.

Ang The Signs ay mapapanood sa pitong SM Cinemas ng Cine Lokal sa SM Manila, SM Southmall, SM Bacoor, SM Sta. Mesa, SM North EDSA, SM Fairview, at SM Megamall sa 1:00 PM, 3:30 PM, 6:00 PM, at 8:30 PM. Ang tickets ay nasa P150.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines