Balita

Vargas, taingang-kawali sa hinaing ng swimming at volleyball

- Ni EDWIN ROLLON

DETALYE at kahalagaha­n sa provision ng constituti­on and by-laws ng Philippine Olympic Committee (POC) ang binigyan ng tibay ng Pasig court nang ipag-utos ang re-election sa Olympic body na naging daan sa pagkakaluk­lok ni Ricky Vargas at mapalitan ang anim na terminong dating pangulo na si Jose Cojuangco, Jr.

Ngunit, ngayong nasa poder na ng liderato ng POC, tila walang halaga kay Vargas ang pagsunod sa itinatadha­na ng constituti­on ng Olympic body, higit ang kapangyari­han ng General Assembly.

Ito ang nagkakaisa­ng pananaw ng mga sports liders ng Philippine Amateur Swimming Associatio­n (PASA) at Philippine Volleyball Federation (PVF) – dalawang asosasyon na may malaking impact sa sports developmen­t ng bansa – ngunit, nananatili­ng balot sa kontrobers­ya at legalidad sa nakalipas na mga taon.

‘Parang taingang-kawali ang POC. Lahat ng legal na pamamaraan ay aming sinusunod. Sumulat na kami kay Mr. Vargas ng ilang beses, pero hindi pa rin kami napagbibig­yan. Ang tanging hiling lang naman naming, eh! idaan sa General Assembly ang usapin,” pahayag ni PVF president Edgardo ‘Tito Boy’ Cantada.

“Ngayon, the FIVB during the World Congress last Nov. 24 ay nagbotohan na at lumabas na hindi kami pinatatals­ik bilang miyembro. Kami pa rin ang kinikilala ng FIVB, walang rason para kilalanin ang LVPI dahil ang PVF ang nananatili­ng recognized associatio­n sa Internatio­nal Federation,” aniya.

Ang LVPI (Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc.) ay binuo nang mga kaalyado ni Cojuangco at sa impluwensi­ya ng ilang opisyal sa Asian Volleyball Federation ay nagawa nitong makapasok sa internatio­nal community. Pinamumunu­an ito ngayon ni Peter Cayco.

“Malinaw ang desisyon ng FIVB, kung hindi kami inaalis, walang bakante para sa LVPI. Ngayon, hindi pa ba ito sapat kay Mr. Vargas para bigyan kami ng hustisya. Nakikiusap na kami, noon pa, hayaan po ninyo kaming makapagsal­ita sa General Assembly,” sambit ni Cantada.

Ganito rin ang panawagan ng swimming icons na sina Olympain Eric Buhain, Akiko Thompson, coach Pinky Brosas at Ral Rosario sa POC at hiniling kay Vargas na kalusin ang pagmamando ni Lani Velasco sa Philippine Swimming Inc.

Sa pinakabago­ng sulat ng grupo, sa pamamagita­n ni legal counsel na si Marilou ArzagaMend­oza, hiniling nila sa POC na huwag kilalanin ang personalid­ad ni Velasco sa PSI dahil ilegal ang kanyang pamumuno sa asosasyon.

“Up to this date, there is a continuing usurpation of authority and misreprese­ntation by Lailani Velasco and her cohorts. Our clients cannot emphasize enough that these people are not authorized to represent PSI in any capacity since her appointmen­t by Mark Joseph Powell is was never approved by the Board, and is contrary to the PSI By-Laws,” pahayag ni Mendoza.

Sina Buhain, dating Philippine Sports Commission (PSC) chairman, ang dating PSC Commission­er na si Akiko Thompsona at Ral Rosario ay pawang miyembro ng orihinal na Board ng PASA.

Ikinagulat din ng grupo kung bakit nananatili­ng kapit ang POC kay Velasco, gayung binalewala ng POC ang election na ginawa nito nitong Pebrero 17, 2018 at isinailali­m sa arbitratio­n proceeding ang swimming sa pangangasi­wa ni dating Olympic representa­tive to the Philippine­s Frank Elizalde.

“The POC must act swiftly. Wala kaming problema kung magelectio­n, pero huwag nating idisenfran­chise yung mga orihinal na miyembro ng Board.,” ayon kay Buhain.

Aniya, nagsagawa ng Congress meeting at election ang grupo ni Velasco nitong Biyernes.

 ??  ?? BUHAIN
BUHAIN
 ??  ?? CANTADA
CANTADA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines