Balita

Kim Chiu, kinekeri ang mabigat na buhay

- Ni DINDO M. BALARES

MAY mga katangian si Kim Chiu na wala sa ibang artista, lalo na ang pagiging genuine at transparen­t niya.

Ito ang lamang niya sa karamihan. Kitang-kita naman, habang wala siyang assignment sa home studio niya, kinuha siyang bida ng Regal Entertainm­ent.

Likas na kay Kim ang pagiging honest maging noong nasa loob pa lang siya ng Pinoy Big Brother.

Inamin niya agad noon pa man na nakikipisa­n lang siya sa bahay ng mga tita niya, na nagbabanta­y siya sa tindahan para makatulong sa hanapbuhay ng mga ito.

Iniwan silang magkakapat­id ng kanilang mga magulang sa ganoong sitwasyon, pero ayaw niyang habang buhay na lamang silang ganoon.

Aminado si Kim na ang mga kapatid niya ang dahilan ng mga pagsisikap niya.

Inako niya ang responsibi­lidad ng pagiging padre de pamilya at ina ng mga kapatid. Pinag-aaral niya ang mga ito sa anumang Kim Chiu, magaan magdala ng mabigat na buhay kursong gusto at full support siya sa katuparan ng anumang mga pangarap nila sa buhay.

Sadyang may malulungko­t na background ang mga masayahing artista, tulad ni Kim. Muli itong lumitaw nang humarap siya sa grand presscon ng One Great Love, official entry ng Regal Entertainm­ent sa Metro Manila Film Festival na pinagbibid­ahan niya kasama sina Dennis Trillo at JC de Vera, sa direksiyon ni Eric Quizon. Naungkat sa open forum ang inamin ni Kim noon pa na napasukan niyang one-sided love. Kasi nga naman, one great love ang tema ng pelikula.

“Grabe po! Alam n’yo, guni-guni n’yolang‘yon!”pabirongde­nialniya. Minahal ba talaga siya ng

nakarelasy­on niyang iyon?

“Minahal naman,” sagot ni Kim. “Pero sadyang sa pagkakatao­n, sa tagal, kayo rin... lahat naman tayo nai-experience natin ‘yong gano’n.”

Pakikipagb­iruan kay Kim ng moderator ng presscon na si Jun

Nardo, bakit siya nandadamay?

“Eh, dapat tayo rin ito, tulungan tayo, ‘di ba?” panay ang tawang sagot ng dalaga. “Hindi, lahat naman tayo nakaexperi­ence ng gano’n para alam natin ang halaga ng magmahal.”

So, minahal din naman pala siya ng naka-one-sided love affair niya?

“Minahal din naman ako, pero mas lumamang lang ako. Parang sa laro lang ‘yan, may lumalamang, nananalo. ‘Kaso yung lumamang, natatalo, gano’n.”

Pero natuto na siya. “Siyempre, natuto sa mga experience­s natin sa love. May natututuna­n tayo kahit paano. Kung wala, tanga na ‘yon. Sa pelikula nga, move on.”

Ito ang minamahal ng press at lalo na ng fans kay Kim. Marunong siyang magdala ng buhay -- gaano man ito kabigat.

 ??  ??
 ??  ?? Direk Erik at cast ng ‘One Great Love
Direk Erik at cast ng ‘One Great Love

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines