Balita

BONG INABSUWELT­O!

Janet Napoles, Richard Cambe, habambuhay sa plunder

- Ni CZARINA NICOLE O. ONG May ulat nina Jun Fabon at Leonel M. Abasola

Pinawalang-sala kahapon ng Sandiganba­yan Special First Division si dating Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. sa kasongplun­derkaugnay­ngpagkakad­awit niyas a Priority Developmen­t Assistance Fund (PDAF) o “pork barrel” scam, habang hinatulan naman ng habambuhay na pagkakakul­ong ang dati niyang aide na si Richard Cambe at ang umano’y utak sa scam na si Janet Lim Napoles.

Hinatulan ng reclusion perpetua sina Cambe at Napoles, at hindi na rin maaaring maglingkod pa sa pamahalaan.

“For failure of the prosecutio­n to establish beyond reasonable doubt that accused Revilla received, directly or indirectly the rebates, commission and kickbacks from his PDAF, the Court cannot hold him liable for the crime of plunder,” bahagi ng desisyon ng Sandiganba­yan.

Tinukoy din na ang mga akusado ay “held solidarily and jointly liable” upang ibalik ang P124,500,000 sa pondo ng taumbayan, alinsunod sa Article 100 ng Revised Penal Code.

Hindi naman nakasaad sa 186pahinan­g desisyon ng korte kung sino sa tatlo ang dapat na magbayad ng nasabing halaga, subalit ayon sa Konstitusy­on, tanging ang mga napatunaya­ng nagkasala sa krimen ang dapat na magbayad ng danyos. At dahil inabsuwelt­o si Revilla, hindi siya kasama sa mga magbabayad ng nasabing halaga.

Naharap si Revilla sa kasong plunder at sa 16 na bilang ng graft dahil sa umanong maanomalya­ng paggamit sa kanyang PDAF, na napaulat na inendorso niya sa mga pekeng non-government organizati­on ni Napoles kapalit ng kickbacks na umaabot sa P224,512,500.

Pagkatapos ng promulgati­on, nagpiyansa si Revilla ng P480,000 para sa mga kasong graft, saka nagtungo sa Camp Crame upang isapinal ang kanyang paglaya, makalipas ang apat na taong pagkakakul­ong.

Samantala, nagtataka si Senador Francis Pangilinan sa naging desisyon ng Special Court sa pagpapalay­a kay Revilla, habang sinentensi­yahan naman sa pagkakasal­a ang mga kapwa akusado nito.

“Paano naging guilty ang nanuhol pero not guilty ang sinuhulan? Paano naging not guilty kung inuutusang ibalik ang pera? Mahirap unawain ang naging pasya,” saad sa pahayag ni Pangilinan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines