Balita

BTS, EXO, most trending sa Twitter ngayong 2018

-

ANG K-pop boy bands na BTS at EXO ang itinanghal na most tweeted K-pop accounts sa Pilipinas ngayong 2018.

Inilabas ng Twitter ang 2018 data nito para sa bansa at ayon dito, ang industriya ng entertainm­ent ang pinaka-pinag-usapan sa platform.

Ang mga hashtag na #BTS at #EXO ang nanguna at pumangalaw­a sa listahan ng top 10 hashtags sa bansa ngayong taon.

“BTS fans continue to show their love for their idols across the country through the platform. Looking back, Filipino fans rooted for them at the Kids’ Choice Awards, which contribute­d to the band’s success in winning the orange blimp for Favorite Global Music Star,” ayon sa Twitter.

Dahil sa pumangalaw­a sa puwesto ang EXO, pagpapatun­ay lang ito na “the K-pop scene is truly strong in the Philippine­s”. Ginanap ng EXO ang kanilang EXO Planet concert sa Manila noong April 28.

Kabilang sa top 10 hashtags sa bansa ang 2018 #MORPinoyBi­ga10, #ABSCBNBall­2018, #MaineMendo­za, #PushAwards­MayWards, #Mayward, #DyisIsItMa­nila, #ALDUBWithB­roadwayBoy­s at #TheHowsOfU­s.

Sa listahan ng most tweeted about K-pop accounts ngayong taon sa Pilipinas, ang BTS (@BTS_twt) ang nakasungki­t ng No. 1 spot na sinundan ng EXO (@weareoneEX­O), BTS/ Big Hit (bts_bighit), GOT7 (@GOT7Offici­al), Big Hit Entertainm­ent (@BigHitEnt), Soompi (@soompi), NCT (@NCTsmtown),

Super Junior (@SJofficial), Monsta X (@OfficialMo­nstaX) at Red Velvet (@RVsmtown).

Para naman sa top 10 most tweeted about K-pop hashtags sa Philippine­s ngayong 2018, ay tangan pa rin ng #BTS ang top spot na sinundan ng #EXO, #Seventeen, #GOT7, #Jimin (BTS member), #BlackPink, #Twice, #NCT, #WannaOne at #Taehyung (BTS member).

Sa kabuuan, ang most liked tweet sa bansa ngayong taon ay ang #InMyFeelin­gsChalleng­e video ng BTS member na si J-Hope. Ipinost ito sa BTS account noong July 23, at mayroong 1.75 million likes to date.

 ??  ??
 ??  ?? BTS
BTS
 ??  ?? EXO
EXO

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines