Balita

Globes nomination ni Constance Wu, makasaysay­an

-

GUMAWA ng kasaysayan ang Asian actress na si Constance Wu sa kanyang Golden Globe nomination!

Nitong Huwebes, nakuha ng 36-anyos na aktres ang nominasyon para sa Best Actress sa Motion Picture - Musical o Comedy nomination sa kanyang pagganap sa Crazy Rich Asians, unang beses makalipas ang mahigit 40 taon simula nang makakuha ng nominasyon ang isang babaeng Asian. Nominado rin ang pelikula para sa Best Motion Picture - Musical or Comedy.

Bago si Constance, si Yvonne Elliman ang ikatlong Asian woman na nakakuha ng nomination sa kategorya para sa kanyang pagganap sa Jesus Christ Superstar noong 1974. Nauna naman sa kanya si Miyoshi Umeki na nakakuha ng nomination sa

Flower Drum Song noong 1962. Habang taong 1956 unang nakakuha ng nominasyon ang Asian woman sa kategorya, nang kilalanin si Machiko Kyo sa kanyang pagganap sa The Teahouse of the August Moon.

Kung papalarin, si Constance ang magiging unang babaeng Asian na magwawagi sa kategorya—laban kina

Emily Blunt, Charlize Theron, Elsie Fisher, at Olivia Colman. Sa isang pahayag sa Entertainm­ent

Tonight, excited si Jon M. Chu, direktor ng Crazy Rich Asians, para sa nominasyon ni Constance at ng pelikula.

“Can I put emojis in a quote? Because

Not in my wildest dreams did I ever think our movie would be embraced to this magnitude by the audience and now the HFPA,” pahayag ng direktor. “What an honor to be included on such a beautiful list of diverse human experience stories amongst storytelle­rs I have looked up to my entire life. I could not be more proud of our movie, our cast, our community and our industry. In response to Eleanor Young, we were always good enough.”

Ipapalabas ang 76th Annual Golden Globes sa Enero 6 sa NBC.

 ??  ?? Constance
Constance

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines