Balita

Ika-113 labas

-

SA kabila ng mga pag-uusap nina Nena at Fermin sa selpon, tuloy pa rin ang kanyang isip. Kung may kasama sana siya, kahit paano, lalakas ang kanyang loob. kahit sabihin pang pauwi na ang mister niya, medyo magtatagal pa rin iyon. Paano pa kung matrapik?

“Kailangan kong mag-ingat,” naibulong ni Nena.

Ikinandado ni Nena ang lahat ng pinto at bntana. Iyon ay sa kabila ng paniniwala niyang balewala naman ang mga iyon. Di ba kung talagang supernatur­al kaya ng mga iyon na maglagos sa mga solidong bagay, pader man o bakal? Nagagawa ng supernatur­al ang mga imposible.

Hindi siya mapakali. Hindi niya alaam kung uupa siya o maglakad na lamang at laging humanda.

Iniisip niya, lahat nga yata ng imposible ay kayang gawin ng mga nilikhang out of this world, Naniniwala siyang iniligaw lang siya ng Miang ‘yon. Sinira ang kanyang bisyon kaya ang araw ay biglang naging gabi.

Pati ,kaya ang pagpapapab­ilis ng takbo ng panahon ay kaya ng supernatur­al? Hindi ba Diyos lang ang nakakabago sa takbo ng panahon?

Pero hindiang mga alagad ng kadiliman ay nakagagawa rin ng imposible sa kapahintul­utan ng Diyos. Pero Diyos din ang makakapigi­l at makasisira ng kanilang kapangyari­han.

“Diyos ko!”Iyon yata ang isa sa pinaka-taimtim na dasal ni Nena. “Sa iyo ko nap o iniaasa ang mangyayari sa akin. Huwag Mo po akong iiwan sa pakikipagl­aban sa babaeng iyon.”

Lalong nararagdag­am ang kanyang takot.

Tumigil siya sa paglalakad at pagpapabal­ik-balik sa sala. Parang pagod na napaupo sa sofa.

Nang bigla, mahindik siya sa kanyang narinig.

Unang narinig ni Nena ang mga KLAP KLAP ng mga dambuhalan­g ibon.

“Diyoskupo! Ayan nap o. Samahan Mo po ako.”

Mayamaya pa yumugyog ang bahay. Papapalaka­s...papalakas ang kalapak ng ibon at kaugnay niyon, totohan nang yumayanig ang buong bahay. Kahit hindi niya nakikita. Alam niyang nagdarapua­n na ang mga dambuhalan­g ibon sa kanilang bubong.

“Nasaan ka, Panginoon?” Halos sumigaw si Nena.

Sandaling katahimika­n. Nakatulong ba ang malakas na dasal?

Sumigaw uli si Nena: “Jesus Christ, ipag-adya Mo po ako sa lahat ng masama.” Tahimik. Tahimik na. Kahit natahimik na, dama ni Nena ang nakadapo lang ang mga ibon sa bubong ng kanilang bahay. Patuloy kasi ang nararamdam­an niyang dalang bigat ng kanilang bubong.

Mayamaya, ginulantan­g na naman si Nena ng malayong ungol...alulong ng aso na parang nanggagali­ng sa kalaliman ng lupa.

Inulit-ulit ni Nena ang malakas na sigaw na padasal. Halos ay nalagot ang kanyang hininga. Halos umiiyak na ang kanyang boses.

Tumitindi ang sindak ni Nena. Ang papalakas at wari ay papalapit na kahulan at panaghuyan ng mga asong bundok ay kinambalan pa ng IK...IIKK... IIIKKKK ng mga dambuhalan­g ibong nakadapo sa kanilang bubong.

Tinakapan ni Nena ang dalawang kamay ang kanyang mga taynga.

Bahagya lang ang nabawas na ingay sa naririnig ni Nena. Naririnig pa rin niya ang BOWWW...BOWOWWWW at IKKK...IKKK na ngayon ay dinagdagan pa ng NGIYAWWW NGIYAWWW!

Aaaa, kung kailan pa hindi dumarating si Fermin!

Saka pa ang tinig-babae: Hindi ba sinabi ko sa iyo na babalikan kita gagantihan? Isang utos ko lang sa mga alaga ko... babagsak na sa iyo ang bigat ng impiyerno!

Itutuloy...

 ??  ??
 ?? R.V. VILLANUEVA ??
R.V. VILLANUEVA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines