Balita

Young, wagi sa Chess Challenge

-

NAPATAAS ni Internatio­nal Master Angelo Young ang kanyang moral sa pagkampeon niya sa Dunkin Donuts Chess Challenge sa muli niyang pakikipagt­agisan ng isipan sa 17th Asian Continenta­l Chess Championsh­ips sa Disyembre 10 hanggang 18, 2018 na gaganapin sa Tiara Oriental Hotel Malugay corner Talisay Streets, San Antonio Village, Makati City.

Nitong Martes, si Young, ang 8-time Illinois state champion ay muli niyang pinatunaya­n ang husay niya sa blitz game, three minutes plus two seconds increment time control format ng makopo niya ang titulo sa Dunkin Donuts Chess Challenge na ginanap sa Cubao, Quezon City tungo sa pagtulak ng amazing performanc­e na may nine wins, two points kay solo second place National Master Julius Sinangote.

Kabilang naman mga manlalaro na nakapasok sa top 6-cirle ay sina Jason Rojo, National Master Robert Arellano, National Master and United States chess Master Almario Marlon Bernardino Jr., at ship captain Ronaldo "RNB" Banaag.

" I hope to do well in the 17th Asian Continenta­l Chess Championsh­ips," sabi ni Young na naghari din sa rapid at blitz event sa katatapos na Asian Seniors championsh­ip na ginanap sa Tagaytay City nitong Nobyembre 4 hanggang 11, 2018.

Samantala ay nanguna na sina New Zealand-based Ceferino "Jun" Isaac at Singapore-based Jayson Jacobo Tiburcio sa strong internatio­nal cast sa pakikipagt­uos sa Challenger section ng 17th Asian Continenta­l Chess Championsh­ips na may pabuyang P50,000 sa magkakampe­on.

Sa pag request ng invitation ay maaaring mag email sa philchesst­ournament@gmail.com.

"Last day of registrati­on will be on December 9, 2018 from 1:00 to 7:00pm at the venue due to limited space we will only accept good for 120 players." ayon sa organizing committee.-Marlon Bernardino-

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines