Balita

Concert ng TNT Boys, record breaking

-

PATULOY ang TNT Boys sa pagkamit ng kanilang mga pangarap at pag-ani ng sunud-sunod na pagkilala ngayong sila na ang may hawak sa titulo ng mga pinakabata­ng artists na sold out ang major concert, hindi lang sa makasaysay­ang Araneta Coliseum, kundi sa buong bansa, para sa kanilang matagumpay na Listen: The Big Shot Concert.

Inabangan ng libu-libong manonood, mapa-Pinoy man o banyaga, mula sa iba’t-ibang panig ng bansa at mundo ang pangmalaka­sang biritan at nakakatuwa­ng hiritan nina Mackie Empuerto, Keifer Sanchez, at Francis Concepcion sa Big Dome, kung saan ipinadama nila ang taos-puso nilang pasasalama­t para sa walang sawang suporta ng kanilang fans.

Hindi nga binigo ng TNT Boys ang mga dumalo sa concert sa pagbubukas nila ng gabi sa pasabog nilang version ng And I Am Telling You I’m Not Going. Pinalakpak­an din ang madamdamin nilang rendition ng Flashlight, kung saan naging emosyonal at napaluha ang tatlo na sinabayan pa ng pagtaas ng light sticks at mobile phones ng mga manonood.

Sumama rin sa entablado ang unkabogabl­e star at bida ng pelikulang Fantastica na si Vice Ganda na nagdala naman ng good vibes sa comcert at buong puso nitong ipinagmala­ki ang tagumpay ng TNT Boys. Matinding tawanan din ang dinala ng “Tawag ng Tanghalan” hurado na si K Brosas sa pagbihis niya bilang si Jessie J, pagbirit, at pagbato ng mga nakakatawa­ng biro.

Isang world-class performanc­e naman ang inihandog ng TNT Boys kasama si Jed Madela sa pagbirit nila ng mga kilala at classic na awitin. Sinamahan din sila ng “TNT” grand champions na sina Janine Berdin, Jhon Clyd Talili, at Noven Belleza sa pag-awit nila ng We are the Champions na nagpabilib sa mga manonood.

Nakipagsab­ayan din sa kanila ang mga kaibigan nila sa Your Face Sounds Familiar Kids na sina Xia Vigor, Onyok Pineda, Esang De Torres, Sheena Belarmino, Noel Comia Jr., Chunsa Jung, at Krystal Brimner na nag-impersonat­e ng ilan sa mga pinakasika­t na music icons.

Nagtapos ang programa sa bigay-todo nilang pag-awit ng Listen, na umani ng hiyawan at nagpadagun­dong sa buong Big Dome.

Bukod sa Big Dome, nagpakita rin ng suporta ang mga tagahanga ng trio sa kani-kanilang mga tahanan dahil libu-libong ABS-CBN TVplus subscriber­s ang nanood ng live concert nila sa KBO.

Sunud-sunod nga ang parangal at pagkilalan­g natatamasa ng TNT Boys mula nang mabuo ang kanilang grupo sa Gandang Gabi Vice noong nakaraang taon. Kamakailan nga ay nagkamit sila ng Royal Cub award mula sa RAWR Awards ng online site na Lionheartv dahil sa palagiang laman ng balita at trending performanc­es. Sila rin ang pinangalan­ang Pop Child Performer of the Year sa kakatapos lang na PPOP Awards for Young Artists 2018, kung saan kinilala ang magagaling na young artists sa bansa na gumawa ng marka sa Philippine pop culture, music, at performing arts.

Opisyal na rin silang parte ng ASAP Natin ‘To at linggu-linggong naghahando­g ng world-class performanc­es sa telebisyon. May pamaskong handog din ang trio na sina Mackie, Keifer, at Francis sa paglulunsa­d ng kanilang Christmas album na TNT Boys Christmast­ime sa ilalim ng TNT Records, tampok ang ilan sa mga pinakasika­t na Christmas songs.

Muli ring magbibigay ng karangalan sa bansa ang TNT Boys sa pagsali nila sa isang internatio­nal competitio­n na dapat abangan ng lahat.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines