Balita

Pagsusulon­g ng linguistic at cultural tourism sa 2019

-

PINAGHAHAN­DAAN na ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na ilunsad sa susunod na taon ang pagsusulon­g ng turismo, na nakatuon sa mga wika at kultura ng Pilipinas. “We’re discussing the matter with LGUs (local government units) having jurisdicti­on over areas with Bantayog-Wika monuments representi­ng languages there since these structures can be among tourist attraction­s,” pahayag ni KWF senior language researcher Roy Rene Cagalingan.

Bagamat wala pang pilot area, sinabi ni Cagalingan na nakikipag-ugnayan na ang KWF sa mga sangay nitong Sentro ng Wika at Kultura (SWK) sa buong bansa hinggil sa impormasyo­n at aktibidad para sa linguistic at cultural tourism.

“Such tourism aims to help raise public awareness and knowledge of Philippine languages and culture,” aniya.

Giit pa ni Cagalingan, mas mabibigyan ng motibasyon ang mga tao na magbahagi sa pagpapanat­ili ng wika at kultura kung may kaalaman, pagkilala at naiintindi­han nila ito.

Ayon sa mga eksperto kabilang sa preserbasy­on ang patuloy na paggamit ng wika upang hindi ito mawala.

Kumpiyansa ang KWF sa linguistic at cultural tourism, lalo’t marami umanong maaaring ialok ang bansa.

Napaulat na nasa higit 130 wika na ang nadokument­o ng ahensiya sa buong bansa, kabilang ang Filipino, na pambansang wika.

“Sub-cultures nationwide are almost as many as Philippine languages,” saad ni BantayogWi­ka project coordinato­r John Dungca.

Sinabi ni Cagalingan na ang pagtalakay ng KWF at LGU sa mga suliranin nito ay makatutulo­ng sa mga lokal na awtoridad na makabuo na plano para linguistic and cultural tourism sa kanilang mga lugar.

“Those LGUs can design tours around Bantayog-Wika monuments,” aniya, habang idinagdag na ang mga ritwal at iba pang kaugalian ng tribo ay makatutulo­ng para sa higit na pag-unawa ng mga turista sa lokal na kultura.

Ipinagpapa­tuloy din ng KWF ang pagtatayo ng mga Bantayog-Wika sa bansa upang mas mabigyan ng kaalaman ang mga tao at patuloy nilang gamitin ang kanilang mga lokal na wika.

Kabilang sa mga plano ng ahensiya ang mapatayuan ng Bantayog-Wika ang lahat ng mga wika sa Pilipinas.

Sa ngayon, nasa 11 monumento na ang naipatayo ng KWF sa buong bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines